R-Ring

1K 41 5
                                    

MAHABANG KATAHIMIKAN ang bumalot sa pagitan nila Clarine at Wolvin habang hinihintay tawagin ang flight ng dalaga. Sa araw na iyon ang alis ni Clarine. Akala nga niya'y mahihirapan siyang kumbinsihin ang lalake kagaya ng una, ngunit ibang-iba iyon sa inakala niya. Ito pa mismo ang nagtanong kung kailan ang alis niya. Ito rin ang nagpaalala sa kanya kahapon ng oras ng flight niya na tila ba siya pa ang makakalimot niyon. Hindi niya mapigilang  mapairap.

Ano? Atat na ata na ba itong umalis siya? Nakakasagabal ba siya masyado sa pagpapayaman nito?

Gusto niyang mapapadiyak sa inis. Hindi ganito ang inaasahan niya. At ang mas nakakainis doon, hindi siya natutuwa imbes na dapat nga ay nagtatalon na siya sa saya.

'Ano, Clarine? Gusto mo na atang tumira dito e.' Tudyo ng isip niya.

Napasulyap siya sa katabi na relax na relax lang sa pagkakaupo habang pinapanood ang mga tao sa paligid nito. Hindi niya makita ng buo ang mga mata nitong natatakpan ng shades. Muli siyang napairap.

Ewan ba niya at iritang-irita siya kay Wolvin ngayon. Matigas siyang tumikhim upang kunin ang atensyon ng binata.

"Pwede mo na akong iwan rito." Suhestiyon niya.

Nilingon lamang siya ng binata. "It's alright. I'll wait for you to get inside."

Umikot ng one hundred eighty degrees ang mga mata ni Clarine. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ng binata. "Naihatid mo na ako dito. Pati ba sa eroplano, balak mo pa akong ihatid? Ikaw ba ang butler ni Roy at pati iyan ipinapagawa niya sayo? Ano susunod? Bubuhatin mo ako papasok ng eroplano? O kaya-"

Natigilan siya ng marinig ang flight number niya. 'Isa pa 'to.' Inis na anas niya sa sarili.

"Punta ka na 'don." Udyok sa kanya ni Wolvin. "Huwag kang mag-alala, hindi kita kakaladkarin papasok. Hindi naman kailangan."

She pursed her lips as her blood boil in shame. Gusto niyang mainis sarili dahil nagpapakita siya ng pagka-grumpy na wala naman sa lugar. Ano bang ipunuputok ng butchi niya? Hindi naman siguro dahil hindi siya nito pinipigilan, hindi ba?

Masungit na ibinaling niya sa ibang direksyon ang mukha at saka padabog na tumayo. She took her luggage and walk, proudly. Pinakiramdaman niya kung sinundan siya ng binata. Hanggang sa ang lakad niya ay unti-unti ring bumagal. Bago pa siya tuluyang kainin ng inis at kuryusidad, lumingon na siya. Natagpuan ni Clarine itong nakatayo lamang sa pwesto nila kanina. 

Ha! At talagang di siya sinusundan ha? Akala mo to, noong nakaraang araw lang ay parang aso kung makabuntot tapos ngayon...

She took a deep breath and said loudly, "Nawa'y madagdagan pa ang kayamanan mo. Goodbye, Wolfy!"

Hinintay niya itong sumagot ngunit tanging tipid na tango lamang ang nakuha niya. Muli siyang tumalikod upang mapaharap lang muli sa direksyon nito. She stomped her feet way back to him. Namaywang siya at tumingala dito.

"Hoy, magba-bye ka naman ng maayos! Kala mo to, parang wala tayong pinagsamahan ah!" Hindi naitago ang sama ng loob at inis sa tinig niya.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Wolvin at mahinang natawa. Clarine was stunned for a moment. Katawa-tawa ba siya? Tila bigla siyang tinablan ng hiya. A blush made her way to her already rosy cheeks.

"Ano? B-bat... anong nakakatawa?!" Matinis na tanong ni Clarine.

"Nothing." Umiling ito at tumititig sa kanya habang nakapamulsa. "Take care, you little bundle of headache."

She was stunned for a moment ngunit agad ding nalukot ang mukha niya. Headache? Really? Headache lang ang tingin nito sa kanya? And what's with little?

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon