L-Lonely

1.7K 64 3
                                    

TINAWAGAN muna niya ang ina upang ipaalam ritong mag-e-extend ng kaunti ang bakasyon niya sa Iloilo.  At mukhang hindi naman nangangamba ang mga ito roon. Sabagay, she's already old enough para paghigpitan pa ng mga ito. Last time she checked, kinukulit na siya ng kanilang ina na patulan na ang inirereto nitong date nito sa kanya.


Kung sa kapatid niyang si Trex ay umuubra ang mga pabor nito, noon. Sa kanya, madalang pa sa pag-ulan ng nyebe sa disyerto kung pumayag siya. Ngayong may nobya na ang pagkabait-bait niyang kapatid ay wala na itong ibang makulit kundi siya na lamang. 


Their mom seems has a thing on matching up people. O baka sa kanilang magkapatid lamang. Masyado kasi itong nabababad sa mga telenovela at mga libro. Sa pagkakaalam niya ay may bago na naman itong kinahihiligan, ang manood ng mga korean drama.


"Nak, baka may pumipigil na sayong umalis diyan ha?" Her mother said in utmost excitement. Bumuntong-hininga lamang si Clarine. Siguro dapat kulitin na niya si Trex na magpropose na sa nobya nito para may iba namang pagkaabalahan ang kanilang ina. 


Nagi-guilty rin naman siya minsan sa ginagawang pagsalo ng kapatid niya. Lalo pa at siya ang panganay sa kanilang dalawa. Kaya sa tuwing kailangan siya nito, kahit pa siguro nasa himpapawid siya ay tatalon siya pauwi para rito. 


"Ma, I am just staying a little longer because..." Nag-isip siya ng palusot. Baka kapag umamin siya sa totoong dahilan ng pananatili niya roon ay sunduin siya nito ng jet plane. Her mom doesn't really approve of her, rejecting men on her way. Baka ito pa ang umu-oo kay Roy, kapag nagkataon. "... hindi ko pa po nalilibot iyong gusto kong puntahan. It will be just a short visit, I guess."


"Are you sure, hija?"


"Yes po. Ma, I'm not going to marry, don't worry."


"That's why I'm worried, Clarine! At that age, you don't still have a plan at all!"


Natawa na lamang siya sa sinabi ng kanyang ina. "Nandiyan pa naman si Trex." Aniya. Narinig niya ang pasigaw na sagot ng kapatid sa kabilang linya. Aba, umuwi pala ang kapatid niya sa kanilang bahay! "Ate, come on!"


Lumakas lalo ang tawa niya. Luminaw naman ang tinig ni Trexton nang lumapit ito sa cellphone ng kanilang ina. "I am already burning my ass here, nape-pressure na ako."


"Bakit kasi ayaw mo pang magpakasal?" Tanong niya rito. "Are you not ready, yet?"


"She's not ready, yet." 


"Oh." Napakamot siya sa ulo dahil sa sagot nito. Kung paano nito nasabi ang bagay na iyon ay hindi niya alam. "Brother, kung gusto mo na talaga siyang pakasalan at talagang desperado ka na, just call me, okay?"


"Ate!"


Humalakhak siya dahil sa tono ng kapatid.


"Nga pala, Ate. We will be having a barbecue party in Tagaytay on Tita Chiara's birthday. Pumunta ka."

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon