"SALAMAT NAMAN HIJO," ani ng ina ni Clarine kay Wolvin.
Paulit-ulit na itong nagpasalamat sa pagpapaunlak sa imbitasyong samahan siya sa Quezon. Hindi niya alam kung paano napapayag ang binata sa kabila ng abala nitong schedule. Nahilot ni Clarine ng wala sa oras ang sariling sentido. Sa tabi niya ay nakatayo ng tahimik ang kapatid niya.
"Sigurado kang ayos lang sayo ang ganito?" tanong ng kapatid habang abala ang mga magulang nilang nakikipag-usap kay Wolvin.
"I don't have much choice, Trex. You know how they can be so persistent. Besides it's just a day with him. I'd probably just roam around and sleep in my room so we won't see each other much."
Tumango si Trexton. Ito na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan ni Wolvin upang makapasok siya. As unlucky as it seems, yes... they will be using Wolvin's car. Weird naman kung ipilit niyang magkanya-kanya silang sasakyan. She tried to raise it but it only drove questions. Sa huli, upang maiwasan ang mas marami pang tanong, pumayag na lamang siya.
As expected, the whole ride was awfully awkward. Malamig pa sa buga ng aircon ang pakikitungo nila sa isa't isa. Tahimik silang dalawa pareho sa byahe. She wanted to talk him. Heck, she missed talking to him about just any random things. But she held back her tongue. Talking would only ignite sparks of hope. She has to help him to stop hoping for her. She has nothing to offer but anything platonic. Na mukha rin namang malabo na sa kanila sa una palang.
Nararamdaman niya ang panaka-nakang sulyap ng binata. Fortunately, he didn't dare initiate a conversation. Ilang oras lang naman ang byahe. Titiisin na lamang niya iyon kahit pa magkanda-stiff neck na siya sa kakatingin sa labas. Sa huli, minabuti na lamang niyang tulugan ang buong byahe.
Naalimpungatan si Clarine mula sa pagkakatulog. Mababa na ang araw sa labas. Nakatigil ang sasakyan sa isang malawak na parking lot kung saan madami-daming sasakyan ang nakaparada. Buhay pa ang makina ng sasakyan, ebidensya ng malamig na hangin ng aircon. Pupungas-pungas niyang dinungaw ang relo. Past three in the afternoon. Lagpas na sa oras ng check-in. Lumingon siya sa tabi. Ganoon nalang ang sikdo ng dibdib nang matagpuan si Wolvin roon nakahilig sa driver's seat at matamang nanonood sa kanya.
She was stunned for a while. Ngayon nalang ulit niya nasalubong at natitigan nang malapitan ang mukha ng binata. Nanlalalalim pa ang mga mata nito na para bang ilang gabi nang pagod at walang matinong tulog. His eyes though look locked up with words that's been aching to be known.
Napaawang ang bibig niya at napaiwas ng tingin sa binata. Bumangon siya sa pagkakahiga. Noon lang napansin na nakababa ang hinihigaang upuan. Tumikhim siya at hinagilap ang maliit na bag sa kandungan. Halos kasabay lang nang paghawak niya sa bukasan ng pinto ang pag-ahon nito sa pagkakahiga sa driver's seat. The door was double locked.
"Mag-usap tayo," ang baritonong tinig nito ang bumasag sa nakakapasong katahimikan. Binundol ng magkakambal na kaba at takot ang sistema ni Clarine. She was starting to panic but she managed to keep it hidden.
"Unlock it," utos niya.
Bumuntong-hininga ito. "Mag-usap muna tayo, Clarine."
"Hindi tayo nandito para mag-usap. Unlock the door." Mariin ang bawat salitang binatawan niya. She needs to get out. Out. Away from him. Malayong-malayo.
"Umalis ka sa mansion mo. Hindi kita mahanap at palaging nakapatay ang cellphone mo. Mag-usap muna tayo ng maayos." Rinig niya ang bawat diin sa mga binibitiwan nitong salita ngunit nanatili ang pagkakalmado.
Marahas na nilingon niya ang binata. "Unlock. The. Door."
Natigilan ito saglit sa nabanaag na kaseryosohan sa mukha niya. Matagal itong tumitig sa kanya na para bang inaaral ang mga emosyong tumatakas sa kanyang mga mata.. Nagtagisan sila ng titig.
BINABASA MO ANG
Chased (BS#4)
General FictionYou only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4