**Note: Apparently, hindi pa talaga ako babalik sa pagsusulat. Also, this is contradicting to what I've said na mag-a-update ako kapag okay na lahat ng pinagkakaabalahan ko sa buhay. Hindi pa ako tapos so supposedly hindi pa ako babalik. I just made an update because I remembered I read something few months ago that I failed to reply with. Hindi kasi ako sigurado sa isasagot ko. But whoever you are, this is for you.
Sorry, this is all I can give for now. I am really busy. Bye.
xx
PASADO alas sinko y media ng umaga ay dala-dala na ni Clarine ang malaking backpack niya. Hindi na siya maghihintay roon ng isang pang paglubog ng araw para lamang magbilang ng bato sa resort ng pag-aari ng binata. Bahala na ito. Kung wala itong oras para samahan siya, kaya naman niyang magwalwal mag-isa.
Kung bakit ngayon lamang tumatak sa kanya ang ideyang hindi niya obligasyong hintayin ang binata kung kailan ito magkakaroon ng oras para sa kanya ay hindi niya alam. She is entitled to this vacation. Well, extended vacation!
Ni hindi na siya nagawang pigilan ng mga hotel staff sa pag-alis. Maaliwalas ang ngiti niyang nilagpasan ang mga ito habang hinahabol siya at pinakikiusapang maghintay na makausap ang kanilang pinuno. Gusto niyang matawa. Ngunit mas nauna ang mainsulto. Maghihintay na naman siya para sa binata? Maghihintay kung kailan ito gaganahang gumising at harapin siya? Eh paano kung hindi na ito magising?
"Au revoir!" Chin up as she walked away, leaving with full conviction.
Sa buong buhay niya siya palagi ang hinihintay, ang palaging hinahabol. She is entitled to leave whenever she wants to. Babalik siya kung kailan niya gusto. Pero dahil may sarili siyang salita, syempre ay babalikan niya ito.
Pagkatapos siguro ng isang linggo...
Napangiti siya nang matanaw na sa wakas ang una niyang napagpasyahang puntahan. Wala siyang matinong plano kung anu-anong lugar ang balak niyang bulabugin ng presensya niya. Hindi rin naman talaga siya handa para roon. But the thought of unplanned trips thrilled her. Saan na naman kaya siya makakarating nito?
"Bahay Panlalawigan ng Iloilo." Basa niya sa malalaking titik na nakahugis sa itaas ng lumang kapitolyo. Sa labas palang ay namamangha na siya sa Spanish features nitong sa pagkakaalam niya ay nirestore lamang ng gobyerno upang mapanatili pa ang historical image nito. Di kalayuan ay may malaking tila lumang fountain pinagdadapuan ng iilang ibong, di tulad niya ay naliligaw. Mula sa malawak na hallway, ang puti at itim na tiles at tila lumang version ng pader. Halos mabali ang leeg niya kakatingala upang pagmasdan ang kabuuan at kisame. Para siyang dinala sa kabilang bahagi ng oras. In a modern-day Spanish mansion to be exact. Kung siguro doon nakatira si Wolvin, she might looked like a powerful Spaniard engaged in politics. His parents could be the Governor running the province. And he's the so-called unico hijo. Ang tagapagmana at susunod sa yapak nito.
Napataas ang kilay niya sa naisip. Not because he has those charming spanish features doesn't mean he's allowed to enter her mind during her days of wandering.
Inubos niya ang oras sa paglilibot at pagkuha ng litrato. She might just open her blog tonight. Hindi niya iyon palaging nabubuksan but she had an idea on what to write that day. She might just continue writing.
BINABASA MO ANG
Chased (BS#4)
Ficção GeralYou only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4