MARAHAS na lumayo si Clarine sa binata. Tinaasan niya ito ng kilay at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa. Napatango-tango siya.
Gwapo talaga siya...
Muli niya itong tinaasan ng kilay nang makita ang namumuong kunot noo sa mukha nito. His thick eyebrows were almost meeting. Nilapitan pa niya ito dahilan para lalo siyang mapatingala. Oh how she wished, she would grow up taller!
"Hoy," Dinuro niya ito. "Di porke pinauuna mo akong sumakay eh may lisensya ka nang kwestyunin ang height ko!" She poked his hard abdomen where she was very sure, those stone-like abs were hiding just behind that thin piece of a shirt. Tiningnan din nito ang daliri niyang tumutusok sa tiyan nito.
Pinanlakihan pa niya ito ng mga mata. "Naiintindihan mo?!" Angil niya. Tinanggal nito ang hintuturo niyang nakadikit pa rin sa matigas na tiyan nito. Ah, teka medyo nasanay na don ang daliri niya.
"Oo na, miss. Sumakay ka na." Nakasimangot pa ring wika nito. Inirapan niya ito at tinalikuran. Sa pagkakataong iyon ay maayos na siyang nakapasok sa loob.
Hanggang sa umaandar na ang sasakyan ay di pa rin maalis sa isip niya ang mukha nito. Antipatiko. Hindi man lang nag-sorry. Akala pa naman niya'y mabait ito. Marami talagang nadidisgrasya sa maling akala.
Nagcheck-in siya sa pinakalamapit na hotel. Matutulog na muna siya para maya-maya ay makapaglibot pa siya at makakain sa labas. Bukas na lamang siya ulit babyahe. Ayaw niyang pwersahin ang katawan at baka bigla siyang lagnatin, mabulilyaso pa ang gala niya.
She has been doing this all her life. Travelling everywhere, taking pictures, collecting memories. Hindi na siguro siya magsasawa sa ganoong buhay niya. Maswerte lang talaga na siya sinusuportahan siya ng mga magulang at ng mabait na kapatid sa mga nais. Kahit minsan ay pakialamera siya sa buhay ng may buhay.
After a good nap, she decided to eat outside. Ayon sa mga ilang nakausap niya doon, maraming ibinibigay sa kanyang choices na maaaring kainan at kung anong pagkain ang dapat subukan. Usually local restaurants and ilonggo cuisine.
Nais man niyang puntahan lahat, baka bukas pa niya magawa iyon o sa mga susunod na araw. Hindi lang naman siya sa Cabatuan mananatili. She would visit the other municipalities too.
Kaya naman maaga palang ay inayos na niya ang kanyang dadalhing gamit. Maglilibot muna siya sa Cabatuan. If she had a spare time left, babyahe siya ng gabi para magpunta sa ibang syudad. She had breakfast in the nearby local restaurant. The place looks vintage and classic. Mayroong fountains at mga gamit na gawa sa muwebles. She took some pictures and posted them on her instagram and snapchat account. Kahit pagkain ay kinuhanan niya ng litrato at lakas loob na ipinadala sa kapatid niyang si Trex.
Caption: Have you eaten?
Dumating na ang mga pagkaing pinili niya ay saka lamang siya nakatanggap ng reply mula sa kanyang kapatid. Ah... mukhang nasa bahay na naman ito ni Keit ah. Doon na kaya ito tumira? Napailing na lamang siya at bahagyang natawa. Her brother was badly smitten.
BINABASA MO ANG
Chased (BS#4)
General FictionYou only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4