R-Robbed

1.5K 58 6
                                    

**Note: Apparently, hindi pa talaga ako babalik sa pagsusulat. Also, this is contradicting to what I've said na mag-a-update ako kapag okay na lahat ng pinagkakaabalahan ko sa buhay. Hindi pa ako tapos so supposedly hindi pa ako babalik. I just made an update because I remembered I read something few months ago that I failed to reply with. Hindi kasi ako sigurado sa isasagot ko. But whoever you are, this is for you.

Sorry, this is all I can give for now. I am really busy. Bye.

xx


HABANG nagmamaneho si Wolvin sa tabi niya ay nanatiling tahimik ito. Wala itong imik kaya naman nanaig ang nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse nito. Hindi niya kaya iyon. Parang hindi siya ipinanganak para manatiling nakatikom ang bibig. Paano'y lumaki siyang kasama ang magugulong pinsan niya, kaya ngayong tahimik naman itong kasama niya ay nababagot siya. Seriously, hindi ba ito marunong magsalita? Para saan pa ginawa ang bibig nito?


Tumikhim siya at nilingon ito. Hindi na makayanan ang pananahimik ng binata. "Anong tawag don sa kinain natin kanina?"


Kumunot ang noo nito at saglit na tinanaw siya. "Are you hungry, again?"


"Hindi. Tinatanong ko lang."


"Lapaz Batchoy." He said.


Tumango siya. "Masarap." Komento niya. Hindi ito nagsalita. Gusto niyang bigwasan ang binata. Anti-social siguro ang lalaking ito. O baka ayaw lang nito sa kanya. Sabagay, para rito, inaagaw niya ang bestfriend nitong si Roy.


Muling namuo ang katahimikan sa kanila. "Tagarito ka ba?"


"Hindi."


Akala ni Clarine ay may idudugtong pa ito ngunit hindi na iyon nasundan. Kawawa naman siya. Mukhang mabubulok siya sa katahimikan ng binata. Was it so hard to talk to her?


Buong byahe, sinubukan nyang daldalin si Wolvin ngunit maiikli lamang ang sinasagot nito sa kanya. Parang hindi ito komportable gayong magkasama sila. Malaki siguro talaga ang problema nito sa kanya.


Kumunot ang noo niya nang matanaw kung saan sila napadpad. They emerged in the royal street, Calle Real. Napadiretso siya sa kanyang inuupuan habang pinagmamasdan ang iconic historical street ng Iloilo.


"I don't know what you want..." Saad ni Wolvin na sa wakas ay natuto nang makipagkomunikasyon. "But if you want to merged with the history of this place, then I think this is a good place to be at. Pero kung gusto mo-"


Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay nilingon niya ang binata. Malawak ang ngiti ni Clarine at nagniningning ang mga mata. Unti-unting itinikom ni Wolvin ang nakaawang na bibig. Nalunod na sa kawalan ang mga salitang dapat ay bibitawan.


"Saan ako pwedeng bumaba?" She asked. Nangangati na ang paa niyang makatapak sa kalsada. Mabilis na tumugon ang binata nang itigil sa isang tabi ang kotse nito. Agad na sinikop ni Clarine ang mga gamit pati na ang sling ng camera ay isinabit na sa kanyang leeg. Iniwan niya ang malaking backpack sa likod. Binuksan niya ang pinto ng kotse ngunit isinara rin iyon nang may maalala.

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon