NAHILOT ni Clarine ang sentido habang binabasa ang kopya ng revised contracts. Matagal ng pending iyon ng mga contractors at hinahayaan lamang na magpatuloy sa pakikipagtransaksyon sa kanila dahil napagkasunduan namang ire-renew ang kontrata ng mga ito. Iyon nga lang, natagalan ang pagpasa ng revised contracts kaya't ang transaksyon ay nakabase pa rin sa lumang terms.
Kumatok sa opisina niya si Katreena. Nang sumilip ito ay agad na naagaw ng pansin ni Clarine ang bungkos ng bulaklak na maingat nitong hawak.
"Ma'am may nagdeliver po ng bulaklak sa pangalan ninyo." Tumuloy ito sa opisina niya. Agad na napukaw siya ng kuryuso nang ibigay iyon sa kanya ng assistant.
"Kanino galing?" Hindi na nakasagot sa kanya si Kat nang siya na mismo ang tumingin sa note na nakaipit sa bulaklak.
My thoughts are with you. Please get well. Looking forward for our next meeting.
Sincerely,
Architect Luizo Villaflores
Oo nga pala. Hindi niya nadaluhan ang paanyaya nitong dinner. And he was thoughtful enough to send his regards through the bouquet.
"Kat, may vase ba riyan?"
She glanced up and found Katreena with a million dollar smile. Kumikislap din ang mga mata nitong nakatuon sa kanya. "Ay meron iyan Ma'am. Kung wala ay ihahanap kita. Hindi iyan pwedeng mawala lalo pa't nakakagaan daw ng pakiramdam ang bulaklak sa opisina," tudyo pa nito at sinamahan pa ng kindat.
Nailing na lamang siya. "Please put these in a vase. I have to work, now. Send also my thanks to Architect."
"Yes Ma'am! Opo. Leave it to me." Maingat na kinuha nito ang bungkos ng bulaklak sa kanya. She was even humming while striding towards the door.
Pagkalabas ni Katreena sa opisina niya ay siya namang pagtunog ng cellphone niya. Isang unknown number ang lumitaw roon. Nag-atubili pa siyang sagutin sapagkat hindi niya gawaing sumagot ng mga unregistered caller. Sa huli, sinagot din niya iyon.
"Hello?"
"Hello, Clarine? This is Teresse. I'm sorry for suddenly calling. Is this a good time to talk to you?"
Napadiretso ang upo ni Clarine nang marinig ang tinig ni Teresse. "Uh, oo naman. Ayos lang. Tungkol ba ito sa villa?"
Ganoon nalang ang kaba niya nang mabitin saglit ang sagot ni Teresse.
"Uh, oo. Nakausap ko na ulit si Vin tungkol sa villa. Ang sabi niya ay gusto muna niyang matingnan mo ang kontrata."
Kumunot ang noo ni Clarine. Nagbago ba ang pricing ng bahay? Ano naman ang gusto nito? Tuluyan na bang umayaw itong ibenta sa kanya ang villa matapos ang naging pag-uusap nila. "Does he not want me to buy his property?" dahan-dahan niyang tanong.
"H-Huh? N-no! Actually he sounds a bit more positive and open about it. Medyo maarte lang talaga iyon sa mga buyer kaya ganyan. Wala naman siyang ibang sinabi na aayaw na siya. He just instructed for me to let you have the contract. I think we can close the contract kung walang makitang problema."
Bahagya siyang nakahinga ng maluwag. At least he's giving her a chance right? A chance to change her mind... probably. What more could be the reason that he wanted her to check on the contract.
"Kailan ko makikita ang kontrata?"
"Pwede kong idaan sayo riyan. Mabuti rin nandiyan ako. Y-you know just in case you have questions I can entertain. What do you think?"
"Yeah sure. That sounds fine to me."
"Good!" Malakas na anito. Bakas ang tuwa sa sagot niya. Teresse chuckled after. "When are you free? I mean my schedule is flexible so I can accomodate which time suits you the most. Pwede ka ba ngayon?"
BINABASA MO ANG
Chased (BS#4)
General FictionYou only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4