DALA-DALA ang kanyang higanteng bag ay bumaba si Clarine ng bangka. Luminga pa siya sa paligid upang hanapin ang bangka ng dalawang binata. Nauna ang mga ito kaysa sa kanila kaya hindi siya sigurado kung saan banda ng Gigantes Norte dumaong ang bangkang sinakyan ng mga ito. Hindi na rin naman niya matandaan kung alin sa mga bangkang nakadaong iyon. Marahil ay nauna nang nakababa ang dalawa. Madami-dami na ang tao at natatakpan ang kanyang view ng mga likod ng mga ito. Sa huli ay nagkibit na lamang siya ng balikat at nagpatuloy sa pagsu-soul searching.
Kumikinang ang tubig dagat na para bang napapalamutian iyon ng diyamante. Dumagdag pa sa kagandahan niyon ang liwanag na ibinibigay ng araw. Ito ang gusto niya sa bawat paglalakbay niya, hindi siya nagsasawang makita at masaksihan ang magagandang tanawin ng bawat bansa. Lahat ay maipagmamalaki. Mapa-natural man o gawang tao.
Wala naman talagang bansang pangit. Lahat ay may kanya-kanyang ganda. Nasa tao lamang iyon. Nasa isip ng tao kung paano niya titingnan ang bawat puno at anyong tubig na madadaanan. Kung bawat tao sana'y marunong lang mag-appreciate ng mga bagay-bagay, siguro ay mas maraming Pilipino pa ang mas magiging proud sa sariling bansang tahanan.
Inayos ni Clarine ang sumbrero sa kanyang ulo. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Huminga siya ng malalim upang punuin ang kanyang baga ng malinis na hangin. Ito ang hinahanap niya lagi. She finds peace and harmony in every adventure. Traveling is like a fuel to her wandering soul. She's a free soul, born to discover the world.
"Roy, magagawan mo ba ng paraan na hindi mapuntahan ang itatayo kong hotel ng mga ligaw na kaluluwa rito?
Marahas na ibinuga ni Clarine ang nilalanghap na hangin nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nabihran na ng masamang hangin ang oxygen na nilalanghap niya. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig at natagpuan nga ang dalawang binata roon. Nakatalikod sa kanya si Roy ngunit ang kaibigan nito'y nakaharap sa direksyon niya. And oh, he's even looking at her with those taunting eyes!
"Anong ligaw na kaluluwa?"
"I just thought that some bad spirits might come here from time to time. Malas iyon sa negosyo."
Tumawa si Roy. "Arkitekto ako, pare. Hindi ako espiritista."
Hindi pa rin naaalis ang tingin ni Vin sa dalaga. Umismid si Clarine rito at umirap. Bakit nakatingin pa ito sa kanya? Inaano ba niya ito? She decided to ignore them and just walk away, ngunit kaagad siyang namataan ni Roy bago pa man siya makatakas sa nanunuklaw na tingin ni Vin.
"Clarine!"
Kung hindi lang siguro mabait si Roy at tingin niya ay hindi dapat niya ito pagsungitan kahit laging nagsasalubong ang kilay niya sa tuwing tumatama ang mga mata niya sa kaibigan nito, marahil ay nilayasan na niya ang mga ito.
"Hey," tabingi ang ngiti ni Clarine nang makalapit sa kanya si Roy. Kasunod nito sa likod ang kaibigan nitong tiyanak. Their eyes met. And once again, she saw that blessed manly face.
Gwapo na sana kaso tiyanak talaga.

BINABASA MO ANG
Chased (BS#4)
Genel KurguYou only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4