O-Outcome

368 18 1
                                    

"S-SORRY!" anas ni Clarine sa nurse na nabangga sa pagmamadali. Tinakbo niya ang mahabang hospital hallway kasabay ng malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hindi alintana ang pagod, puyat at pawis sa noo at leeg.

Hindi na siya nakapag-empake ng gamit. Wala na siyang halos naintindihan sa tawag matapos sabihin sa kanyang naaksidente si Trex. It was only a quick call. She tried to remember the hospital name and room all throughout her flight. Surprisingly, amidst the fatigue and lack of sleep, she wasn't able to drift off to sleep. She couldn't care less if she didn't pack clothes. Wala na siyang panahon para doon. Kung di pa niya naalalang kailangan niya ng passport, baka pati iyon ay naiwan na niya. She only took some cards, keys and passport. Walang ibang gamit o kahit ano pa man. Pagsakay ng taxi sa labas ng airport ng Pilipinas, saka na lang niya napansin na magkaibang pares ng sapatos ang naisuot niya sa pagmamadali.

The door made a loud noise as she barged in there. Hinihingal pa siya at habol pa ang hininga. Halos sabay pang napatingin sa kanya ang dalawang magkayakapan sa hospital bed. Natigilan si Clarine ng ilang segundo. Nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Trex na gulat rin sa pagdating niya.

Mabilis na tinawid niya ang distansyang naglalayo sa kanya sa kapatid. "Are you okay? May masakit sayo? Anong sabi ng doctor? Should we call the doctors? How many do you need? Five? Seven? I'll get you ten! Anong sabi ng doctor? Wait, maybe I should see your doctor, right? Right?" Lumunok siya at humugot ng malalim na hininga. Halos mapupugto na ang hangin sa baga niya sa nerbyos. Ni hindi malaman kung paano hahawakan ang kapatid.

"Ate? I... I'm fine. Are you okay?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Am I okay?! Are you?" Tumaas na ang boses niya. Napangiwi pa si Trex dahil doon. Ang kanang balikat nito ay nababalot ng puting bandage. His arm wrapped perfectly like a gift in a splint.

"Anong nangyare sayo? Bakit nakabalot ka ng ganyan? Matagal pa ang pasko!" Naghihisteryang wika niya.

Ngumuso ang kapatid niya sa pinipigilang ngiti. Kung wala lang ito bandages, dinagukan na niya ito. "I'm fine. Relax. Ayos lang ako, ate. Now breathe, please."

Nang sabihin ni Trex iyon ay tila saka lang din humulas sa kanya ang matinding pangamba. She let out a loud sigh as she slumped on the floor. Hawak-hawak pa niya ang kama ng kapatid habang nakasalampak roon. Pumikit siya ng mariin at nag-concentrate sa paghinga.

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Paulit-ulit niyang isinaksak sa isip niya na ayos lang ang kapatid niya. That she has to calm down. She focused on calming her raging heart.

Few minutes passed.

"Ate-"

Itinaas ni Clarine ang palad para pigilin ang anumang sasabihin ng kapatid. Hindi pa siya tapos. Hindi pa siya kumakalma. Matiyaga namang nag-antay sa kanya ang mga ito.

More minutes have passed. Katahimikan ang namamayani sa loob ng silid.

"Maybe we should get a doctor for you, Ate."

Nag-angat ng ulo si Clarine at sinamaan ng tingin ang kapatid. Trex only flashed his signature boyish smile. Aba't talagang dinadaan pa siya sa pagpapakyut ng isang 'to. If he thinks he'll get away from her nagging, well he better think again.

Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakasalampak. Inayos ang damit. Nakita niyang pinasadahan siya ng tingin ni Trex.

"From the looks of it, kakauwi mo lang at...." hindi nito itinuloy ang sasabihin nang tumutok ang mga mata nito sa mga paa niya.

"Sorry, kasalanan ko."

Halos sabay pang bumaling ang ulo nilang magkapatid sa tinig ng dalaga. Si Keit ay nakaupo sa kabilang bahagi ng kama.

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon