G-Greetings

550 23 2
                                        

PINALIS ni Clarine ang namuong pawis sa noo. Matapos patayin ang kalan ay sinunod niya namang maglinis ng mga ginamit sa pagluluto. She also prepared coffee. The aroma of brewed coffee filled the whole kitchen.

Hindi nakauwi ang kapatid niya kahapon. Sinalubong lamang siya ng text nito ng hatinggabi na nasa penthouse pa rin ito ni Clovis. On the other hand, Crocif left the two of them there. Wala namang kaso iyon at pareho nang matatanda ang dalawang iyon. They'd be fine, no need to tell their whereabouts. Madaling araw ng magising siya ay walang bakas ng pagdating ng kapatid niya.

Habang nagla-light breakfast ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Keit. Hindi raw kasi nito makontak ang kapatid niya. Mukhang may plano pa atang magkita ang dalawa. Knowing her brother, he never missed an appointment unless its intentional. At magsasabi naman iyon, lalo na kung si Keit ang involved.

Kaya ang ending, alas syete ng umaga ay nasa harap na siya ng pinto ng penthouse ni Clovis. Pinagbuksan siya ng kapatid na halatang kagigising lang. He's still wearing the same shirt as yesterday and he stinks with alcohol which even feed her suspicions of what happened last night. Imbis na ibsan ang hangover o kaya magpahinga, mukhang itinuloy pa talaga sa penthouse ang inuman session na naudlot sa pagdating niya.

Sumilip si Trex sa pinto na bagong ligo at suot ang tingin niya ay mga damit ni Clovis. Nailing siya. Siguradong magpapanic ito kapag sinabi niya ang tawag ni Keit.

Umupo ito sa isa sa mga bakanteng upuan sa kitchen. Kinuha ang isang bottled water sa mesa at nilagok iyon. Masama ang itsura nito marahil ay dahil sa hangover.

"My head is killing me," he said confirming her thoughts.

Inilapag niya ang tasa na may brewed coffee. "Hm, bakit hindi ka uminom mamaya ulit? I'll buy brandy..." pang-aasar pa niya.

Ngumiwi si Trex sa kanya. "I don't think I'll touch any liquor for the time being."

Ngumisi siya. Sinundan ang kapatid sa pag-upo. "Si Clov? Gising na?"

"I think so? I heard the shower running. Magugulat iyon kapag nakita ka rito."

"Mas magugulat iyon kapag nalaman niya iyong mga pinaggagawa niya kahapon." Sumimsim siya sa sariling tasa ng kape. Makahulugang tumingin siya sa kapatid. Alam nito iyon. Ito pa nga ang nagsend sa kanya ng video ni Clovis habang walang awang pinauulanan ng lecture si Crocifico. Kaya rin siguro hindi nakatagal iyong isa at iniwan ang mga ito.

"Don't tell him."

Ngumisi pa siya lalo. "I think I spoiled you too much, Trex. Iyan ba ang natututunan mo kay Crocif?"

Sumandal ito sa kinauupuan at hinilot ang sariling sentido. Pikit ang mata ng kapatid. "May natututunan ba sa isang 'yon?"

Nangalumbaba si Clarine gamit ang isang kamay. Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila habang nakatitig siya sa itim na likido sa kayang tasa. "You know Trex, I look up to Clovis so much," she confessed rather spontaneously.

"You do? Why? He's just almost the same age as you."

"So? He's the most mature of us. He's responsible and practical. Always sensible and calm. Naririnig ko palagi ang boses ni Tito Andro kapag nagkukwento siya tungkol kay Clovis. You know the kind of father who had never been the least disappointed at his son? Kapag ganoon, palagi kong tinitingnan ang reaksyon ni Papa. I was wondering if he ever felt that way towards me."

"Ate,"

Tipid siyang ngumiti. "That's a stupid thought. I know. I know how he never ask for anything. Except for the marriage part." Nagkibit-balikat siya. "But I am still the eldest. I'm aware of that. Ramdam ko na ang expectation noon bilang nakakatandang kapatid. Eldest daughter pa. I should raise the standard for the family. I should act intelligent and independent because I can't be seen as weak for being a woman. I can't cry at simplest matter. I can't fail my exams. I can't fall short compared to my colleagues or batchmates whether in skills, knowledge or achievements. Hindi ko alam kung kailan ako natali sa mga expectations na iyon. All I know was that it's a trigger to pull me astray. I started saying no. I started fighting for the things I like. I started the image of a daughter they can't build expectations about. Because I was afraid to live on those expectations. I was afraid to fail anyone in the family."

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon