Hindi madali mamuhay mag-isa malayo sa pamilya at tinuturing 'kong pamilya.
Nakakamiss lalo na nung mag birthday ako at hindi sila kasama. Hindi ko siya kasama.
First time kong hindi siya nakasama. Nung tumawag pa ako sa kanila, wala siya. Busy daw kasi sa work sabi nila Tita.
"I doubt kung busy siya sa work! Baka busy sa babae. Tsk" maktol ko kay Renz na ka-video call 'ko ngayon.
"Hmm. Base on what i've heard busy daw talaga sa work. Though she's still coming to the club, but--but always alone." pagtatanggol niya naman dito.
Renz is a good friend. Siya nagrereport sa akin ng balita tungkol kay Jez.
Naging mailap kasi ito sa Social Media. Di na siya nagpopost ng kahit ano."Yun na yun! Tuwing pumupunta ng club yun di yun uuwi ng walang babae!" giit ko naman.
"You know what? I know you don't trust her but trust me! She's drowning herself on work." napa-irap na lang ako sa sinabi nito.
Hindi ko matanggap na di man lang ako binati ni Jez sa birthday 'ko. Kahit sabihin pang break na kami dapat naalala niya pa rin akong batiin.
"Kailan mo ba ako dadalawin dito sis?" pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Stop calling me sis. Ligawan kita dyan eh!" asik niya sakin na natawa ako.
"But probably next month. I have a business on France. Daanan kita." nakangiting turan nya na lalong nagpagwapo sa kanya. Lumabas na naman yung dimple niya.
"Aw. Asahan ko yan ha?" nakakamiss din kasi may nakaka-usap.
Alam niyo naman, mailap ako sa tao kaya wala akong nagiging kaibigan dito. Pagkatapos kasi ng klase 'ko dumidiretso na ako sa apartment 'ko.
"Do you miss me?" nakangiting tanong pa rin niya.
"Well. Sort of." 3 months na rin nakakalipas ng huli kaming magkita.
"Hmm.. I miss you.." seryosong turan niya na nawala ang ngiti 'ko.
Nakaramdam ako ng awkwardness.
"Hey it's fine. Anyway, i have something to tell you when we meet in person."
Ilang araw at linggo ako binulabog ng mga sinabi ni Renz. Kinakabahan ako kung ano ba yung sasabihin niya. Sinubukan ko siyang kulitin tuwing tumatawag siya pero di niya naman sinasabi sa akin.
"Klaisse!" masiglang salubong niya ng muling magkita kami.
"Renz!" tawag ko sa kanya.
Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"I miss you, madam." madamdaming bulong niya.
Tinapik tapik ko ang braso nya para kumalas siya sa akin, natauhan naman siya at agad humiwalay.
"Sorry. I just miss you so much." napangiti ako sa sinabi niya.
He's so vocal. And i can feel his sincerity. Hindi katulad kapag kay Jez parang laging walang laman.
"It's okay. I miss you too.. Kumusta?"
"Great! Finally, i'm with you again." halos maningkit ang mata niya sa sobrang pag-ngiti. Halatang sobrang saya niya nga.
"Yes. Finally. So what's your plan?" kumislap ang mata niya at hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa hindi ko alam.
"Saan tayo pupunta?" hindi niya ako sinagot kaya nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang makapunta kami sa isang coffee shop.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...