(Zoe's pov)
Wala akong magawa this day. Magpaparty sana kami pero nakakahiya naman daw dun sa 5 A 😕
Pumasok ako sa kwarto ni April (dahil bahay ko ito at pwede kong gawin ang lahat nang gusto ko) at may nakita akong bag na mukhang saging pero nakakalat sa sahig. Binuhat ko yun at ilalagay sana sa kama pero natigilan ako dahil mabigat.Natuwa ako nung nakita ko yung laman. Interesting...
"Guys tignan niyo!" sigaw ko. Unang pumasok si April dahil kwarto niya ito malamang. Nanlaki yung mata niya.
" Astig!" tuwang tuwang sigaw ni April. Napatalon pa siya tsaka kinalkal yung bag. Nagsipasukan naman yung iba. Kinuha ni Janea at pinagmasdan ito.
"Kung kanino yan sana huwag nang hanapin." sabi ni Janea. Napangise naman ako. Tonign will be another party. Buti makakaparty na kami kasi simula nung dumating ang 5A ay di na kami nakapagsaya.
" Kunin niyo na yan" utos ko.
Best party ever!
( 3rd person's pov)
(Boy's music room)
"Guys nakita mo ba si Pete?" Panglimang tanong ni James.
"Hindi nga eh. Ang alam ko lang lumabas siya kanina tapos bumalik na siya pagkatapos umalis nanaman siya" sabi ni Joseph habang kumakain.
"Baka kumuha ng saging?" sabi ni Mark habang binabasa yung bagong song nila.
"Malamang hindi. Nandito yung saging niya. Siya pa nga naglabas eh." Sagot naman ni Paul. Tumayo si Mark at kinuha yung microphone.
" Magpractice na nga tayo!"
Magsisimula pa lang sila nung dumating si Pete na nakabusangot.
"Guys nakita niyo ba yung bag kong mukhang saging?" Sumbong ni Pete.
"Hindi eh" sabi nila na parang walang pake." Nandoon kasi yung mga hard beer na binili ko." Sabi ni Pete at nakuha naman niya ang attensyon nila.
"Baka nasa music room ng mga girls. " sabi ni James at tumayo para lumabas.
"Imposible naman yun. Sa second floor ko nilagay mapupunta sa first floor?" Tanong ni Pete.
"Nandun kasi yung mga babae at mabuti nang sigurado" sagot naman ni James.
Bumaba ang mga lalaki sa music room. Nagulat sila sa nakita nila.
"BOOM PANES!" - Joseph
"Anong ibig sabihin nito! Binili ko yan eh!" - Pete
"Zoe? Zoe? Naririnig mo paba ako? Zoe!!" - Mark
" Sabihin mo sakin hindi sila lasing" - James
Nakita lang naman nila na sobrang gulo ng music room at nakakalat yung mga beer ni Pete na walang laman. 😑
Nagpanic na ang mga lalaki. Pinagmasdan nila ang mga lasing na babae habang unti unting nagliligpit." Paul?" Sabi ni Janea habang
gumagapang papalapit kay Paul." A-aano " nauutal na tanong ni Paul. Ambilis ng tibok ng puso niya. Napalunok pa siya. Nakatitig lang si Janea at biglang sumigaw.
" Kyaaaaaaa! May dalawang Paul! Hahaha bakit kaya?" Sigaw ni Janea na parang lasing at galing mental.
" Lasing nga sila James" sabi ni Joseph sabay face palm at kamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
Living with five boys (editing)
Genç Kurgu'Friends'. Mahirap hanapin pero madaling mawala. Paano kung kahit anong gawin mo ay hindi mo maramdaman na may ganun ka? Kahit nakitira ka na sa mga lalaki eh wa epek parin? Sa tingin mo ba mararamdaman mo yun kung iwanan mo sila?