#20 Bikini picture

22 0 0
                                    

(3rd person's pov)

"Girls bilisan niyo nga! Nagpapaganda pa kayong tatlo!" Sabi ni April. Nasa hotel room sila ngayon. Naglakadlakad pa si April kakahintay.

*knock knock*

"Who's there?" -April

" 5 A " -Pete

"Wala akong paki" -April

"Come on!!!" -Pete

"Nagbibihis yung mga kasama ko kaya diyan lang kayo sa labas!" -April

"AYE!!!!" -Fransisco

Mayamaya lumabas na ang tatlo sa kanikanilang kwarto. Inis na tumingin si Paril sa tatlo "Tapos na kami!" Sabi ni Joy at inayos ang ribbon.

"Tagal niyo baka naiinip na si Zoe! Tignan niyo 12:00 na eh ang usapan natin 10:30! Nagpapaganda pa kasi!" Sabi ni April. Simple lang si April di katulad ni Janea.

"Alis na tayo" sabi ni Scarlet at baka sumabog si April.



"Para!Para!Para!!!! Bakit walang tumitigil na taxi saatin?" Sabi ni Pete habang binabatuhan ng masamang tingin ang mga taxi.

"Duh? Japan to hindi Pilipinas" sabi ni Janea at nagsalpak ng earphones sa tenga. "Ay oo nga noh" sabi ni Pete at napafacepalm pa.

"Uy Fransisco bat ganyan yung hood ng jacket mo? May mukha ng pusa?" Tanong ni James at kinalikot yung hood ni Francisco

"Si Happy yan. Pag sinuot mo yung hood parang ikaw si Happy" pagpapaliwanag ni Francisco nanparang kilala nila kung sino si Happy

"Ang ganda! Pero bakit pusa? Masmagandang aso nalang yung hood" tanong ni Scarlet.

"Si Zoe yung gumawa" sabi ni Francisco. Mayamaya sumingit si April

"Pero wala parin tayong taxi!!!" -April

"Paano kung....." hindi natuloy yung sasabihin ni Joseph kasi biglang nagsalita si Fransisco.

"May taxi na!" -Fransisco

Ngumiti si Joseph. "Tara n......" -Joseph

"Tara na!!!!" -Pete

Pumasok na sila sa Taxi. Nagsiksikan silang lahat kahit sinisigawan na sila nung driver dahil overloading.

"Ang lawak dito!" -Joy

"Oo ng......" -Joseph

"Paano natin mahahanap yung bahay nila Zoe?" -Joy

"Baka mag......" -Joseoh

"Nagdikit siya ng Fairy Tail poster sa gate nila para kung nakita natin yung gate na may poster, dun yung bahay nila" -Fransisco

"Paano......." -Joseph

"Buti sinabi niya sayo" -Mark

"PALAGI NIYO NALANG AKONG INUUNAHANG MAGSALITA!!!! SIGE KAYO NA!!!!!!" -Joseph

"Weh?" -Lahat

" -_- " -Joseph's face

Mga 10 minutes lang at nakita na nila yung street kung nasaan ang bahay nila Zoe "Sir you can stop there" sabi ni Joy. Dumikit naman sa kanya si James. "Nice english" sabi niya.

Umirap lang si Joy"Hanapin na natin sila"  Naglakad sila hangang sa mawala na sila. Nagsigawan silang lahat at nagsisihan. "Wala namang may poster! Pinagloloko ata tayo!" Sabi ni April at pinatahan naman siya ni Pete.  "Chill,babes" sabi ni Pete.

Living with five boys (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon