"Kagura bilisan mo! Iinit nanaman yung ulo ni Nathan" sabi ni Francisco. Inis ko siyang tinignan. "Hayaan mo!" sigaw ko naman sa kanya
BTW Im Zoe Matsui. Half filipino and Japanese. No one cares if I'm a half japanese and I'm cool. I love myself.
Kagura lang ang tawag saakin ni Francisco kasi..... wala lang. Tawagan lang namin yun dahil Bestfriend kami. Childhood friend ko siya kaya nasanay na ako sa kanya. Siya lang ang tinuring kong kaibigan because I don't need many.
Im in a group called 'The Way'. Ako, si Francisco, si Nathan at si Scarlet ang member.
Well, nakita niyo naman siguro na wala sila Francisco at Nathan sa first page ng book na ito, kasi nga Ako ang bida dito :)
"Ang tagal niyo!" Sigaw ni Nathan na nakasakay sa loob ng kotse.
"Wow ha. Nakakahiya naman sayo" sabi ko sabay tingin sa kanya na nagsusuklay pa lang "Tsk....." Sabi niya na lang.
Ako, si Francisco at si Nathan ay pumasok na sa kotse at nagbyahe papunta sa bahay ni Scarlet. Malayolayo pa ang byahe kaya magkwekwento muna ako.
Itong grupong The Way ay isang grupo kung saan matutulungan kang mahanap ang happily ever after mo. Di ako naniniwala dun kaya isinali ako ng magaling kong nanay 😡
She said I am so lonely. I am so bad. I am so spoiled. I need to have friendSSSSSS. Ang kulit nila kahit sinabi ko nang okay na ako sa isa.
"Were here!!!!!" -Francisco sabay talon. Binatukan ko siya. "Haynako. Isip bata!"
Naglakad kami papuntang bahay nila Scarlet. Tumayo kami sa may pinto. Nagaalangan pa si Francisco kung magdodoorbell siya at
binuksan ko yung pintuan.
Pumasok na ako pero tinignan ko yung dalawa kasi di pa sila pumapasok.
"Anong problema niyo?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. "Bat mo binuksan yung pintuan? Pwedeng katok muna?" Sabi naman ni Francisco. Si Nathan wala lang. Tinignan ko siya
"......
Edi kumatok ka na" sabi ko sabay lakad palabas ng bahay. "Tanga! Nakapasok ka na nga tapos lalabas ka pa!" Sigaw saakin ni Francisco. Ano bang gusto mo?
"Edi pumasok" sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay. I hate going on circles. "Ang kulit niyo" -Nathan
Hayaan niyo na si Nathan. Di gaanong nagsasalita yan pero pag ginalit mo sisigaw yan na parang dragon.
"Hello guys! Welcome sa bahay ko!" Biglang sulpot ni Scarlet at pinapasok kami
Wow lang. Bigla bigla na lang siyang sumulpot kung saan saan!
"Bat mo ba kami tinawag?" ~Francisco (haba ng pangalan!) "Hmmmmm. Nandito kasi si Master Miko. Dito daw tayo magmemeeting" pagpapaliwanag ni Scarlet. Pagkasabi pa lang ng pangalang 'Miko' nagalit agad ako. Alam niyo kung bakit? Kasi siya yung dahilan kung bakit nasa The Way ako! Siya yung bumuo dito sa grupong ito at ang masahol pa ay kasama ko si Nathan!
Pinapunta kami ni Scarlet sa graden nila at pinaupo. Nandun naman si Miko na naghihintay.
"Hello guys!" Sabi ni Miko. Tumayo ako sa harapan niya."Ugh! Straight to the point Miko!" Sabi ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay
"Master Miko for your information. Simula ngayon, yun na ang itatawag mo saakin"
Inirapan ko nalang siya. Daming nalalaman ng taong to!
"Okay guys the meeting will now begin. First of all, may I ask kung anong nangyari sa inyo?" -Master M (daw)
Tumayo si Francisco at simigaw. "Di gumana yung happily ever after ko kay Cyline! Sabi mo makipagkaibigan ako sa kanya tapos ligawan ko eh di ko pa nga siya nagiging kaibigan galit na agad siya!" ~Francisco
"Pati ako!!! Sabi mo makipagdate ako sa ibang babae para makalimutan si Anne pero wa epek!!!" ~Nathan
"Um pati ako. Sabi mo kalkalin ko yung mga FB ng lahat ng tao para makahanap ako ng friend pero shy parin ako" ~Scarlet
"Ako din malamang. Sabi mo makipagkaibigan ako kay Janea, Joy at April pero THE HELL!!! Masyadong maarte yung mga yun! Damit here, perfume there, boyfriends everwhere! Exept si April pero basta! Paano ko naman mararanasan magkaroon ng kaibigan kung ganun din sila?" ~Me
And I don't need one!
"Okay okay!!! Stop the shouting. May plano na ako para sa inyong lahat." sabi niya sabay tingin kay Francisco
"Ikaw, pag bumalik na si Cyline dito sa Pilipinas, magsorry ka at start a new date" Tumango lang siya
"Ikaw naman Nathan. Go all around the earth to see a girl who will replace Anne"
"What?!" Inis na sigaw ni Nathan. Grabe naman yung reaction nito! "Bakit ayaw mong palitan si Anne?" Tanong ko. Napakamot siya sa ulo.
"Duh? Malamang gusto! Pero all around the world talaga???" -Nathan
"No complain. At ikaw naman Scarlet. Sasamahan mo si Zoe sa pagkakaibigan kanila April, Joy at Janea" sabi niya sabay tingin saming dalawa
Pumayag si Scarlet. Hinihintay ko lang yung ipapagawa saakin ni Miko pero wala!
"Teka! Edi walang magbabago sa ginagawa ko? Lalapit parin ako sa mga babaitang mga yun?" Tanong ko sabay inom ng orange juice na nakahanda sa mesa. Tumawa siya
"Kalma ka lang Loe" sabi ni Miko na master Miko pala. "Ang pangalan ko ay ZOE!" Sigaw ko naman. Yes Loe dati but that's past!
"Edi yun. May idadagdag lang naman ako sa kanilang tatlo." Sabi niya sabay tingin sa papel.
"Okay sino nanaman yun? Mga babae ulit na sakit sa ulo?" Tanong ko. Tumawa ulit siya. " Hindi. Mga lalaki naman"
Pagkasabi niya nun, magliwanag yung mukha ko. Salamat naman at wala nang maarte
"And they are???" Tanong ko na sabik malaman ang mga pangalan nila. Ngumiti siya.
"Yung Five Awsomeness"
. . . .
"WHAT DA?! R U JOKING MAN?! WHAY DA HEK?! "
(itutuloy...)
BINABASA MO ANG
Living with five boys (editing)
Genç Kurgu'Friends'. Mahirap hanapin pero madaling mawala. Paano kung kahit anong gawin mo ay hindi mo maramdaman na may ganun ka? Kahit nakitira ka na sa mga lalaki eh wa epek parin? Sa tingin mo ba mararamdaman mo yun kung iwanan mo sila?