(April's POV)
Ansaya ni Joy ah! Masaya ako na nagletgo na sila ni Mattew para rin hindi na sila mahirapan. Pero sana masaya rin sila sa choice nila. Malapit na kami sa bahay ng the way. Home!
Agad akong bumaba, kinuha ang gamit ko at tumakbo papunta sa kwarto ko. Niyakap ko yung kama ko.
"I miss you bed!"
Naramdaman ko na nakapasok na silang lahat sa bahay dahil umingay na muli ang bahay na to. Inayos ko yung gamit ko at nagpalit na rin ng damit. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Bakat parin yung peklat ko sa noo pero buti natakpan ko ito ng bangs. May kumatok sa pinto.
"Pete kwarto natin to kay--"
Binuksan ko yung pinto. Pero sinara ko ito nang makita na si Mark yun.
"Wait April! P-pwede ba tayong magusap..."
Ano naman ang paguusapan namin?! Naalala na ba niya na ako yung iniwan niya noon? Lapastangan!!!
"Ano bang kailangan mo?! Sabihin mo na ngayon dahil hinding hindi kita pagbubuksan!"
Mayamaya tumahimik. Baka wala na siya? Bumalik ako sa pagaayos ng gamit ko. Inayos ko rin yung kama at nakakahiya naman kay pesteng Pet. Napansin ko ukit yung sugat ko sa noo.
Ako ang nakasugat dito. Maglalaslas sana ako dati nung nakita ko si Mark na may ibang babae. Hawakhawak ko na yung blade pero biglang dumating si Joy at hinampas nang malakas yung kamay ko. Tumama yung blade sa noo ko kaya may clean perfect line ako sa ulo.
Humiga ako sa kama kasi marami na rin ang nagawa ko kakaayos ng kwarto. Tinignan ko yung cellphone ko.
# Scarlet and Joseph is real
Hahaha isa pa tong dalawang to! May forever na ba talaga hahahahah!!!!
"Gusto ko lang sana pagusapan kung ikaw ba si April na naging girlfriend ko"
Potek andyan pa pala siya? Andami nang nangyari sa buhay ko tapos ngayon ka lang magsasalita? Double meaning burn!
"Spit it" sabi ko. Lumapit ako sa pinto para marinig ko siya.
"Sorry sa ginawa ko dati. Nagtataka ako kung bakit ka galit saakin nung nakilala kita as a member of the way, pero di ko alam na ikaw si April."
Yeah right. Nagpagupit ako ng short hair at medyo nagpacolor. Naging tibo ang pananamit ko. Gusto ko magbago para di na ako masaktan. Pero bumalik siya sa buhay ko.
"Di ko mapigilan kung may makita akong ibang babae. I mean, I'm just a guy. Please forgive me. Can we start over?"
"Naririnig mo ba yung sinasabi mo?"
Umupo ako sa sahig na dikit ang likod sa pintuan. "Lalaki ka lang kaya ka nambabae? Ok. Ok lang naman. Isak sak mo ang sandamakmak na babae sa bunganga mo. Basta huwag mong sasaktan si Zoe dahil siya ang pinakamatatag na kaibigan ko. Kung yung babaeng yun ay napaiyak mo, g*go ka tol.""At kung lalaki ka lang, intindihin mo rin na babae lang ako at hindi kitang kayang patawarin" Oo di ko siya pinatawad. He two timed his girlfriend, left the other one, came back after years, did not realize his ex, and flirt with his ex's friend in front of her.
"Kung ano man ang ibigsabihin mo ng can we start over, kung as friends o as yung dati, hell no." tuloy ko.
"Bakit ba? Ako na nga yung nagmamagandang loob! Bakit di ka pa ba nakamove on sakin?" sabi niya.
KAPPPPPAAALL!!!!!
"Nakamove on na ako sayo. Pero hinding hindi ako makamove on sa mga ginawa mo. Specially kung may balak ka pang ligawan si Zoe! Dude let Pete have her"
Binuksan ko yung pino nang biglaan. Napaatras siya konti dahil sa gulat.
"And stay away from me. " sabi ko at nilagpasan siya. Bumaba ako sa first floor at balak pumunta sa mini garden. Umupo ako sa bench. I really need break. Bakit pa kasi naalala ni Mark?!
Trust is something you can give to anyone, but once broken, it is hard to put it back. Baka nasaktan lang talaga ako kay Mark. Gusto ko siyang patawarin pero sobrang hirap.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tumingin ako sa nagsalita.
"Nakaupo. Nagiisip." sabi ko. Umupo siya sa tabi ko. This guy again! Bat di niya ako tantanan?
"You look so lonely. Gusto mo ng kasama?"
"Hindi. Bumalik ka na sa loob at ayusin mo yung kwarto mo"
Hindi siya kumilos. Nasa tabi ko lang siya. Sisigawa ko na sana siya pero parang naalala ko yung sinabi ko sa taas kanina.
"Do you like Zoe? Or maybe love?"
Nagulat siya sa tanong ko. Sino ba namang hindi? "Bakit mo tinataning yan April my love?" sabi niya. Yan nanaman siya sa banat niya. Babaero talaga siya. Siya ang play boy sa 5A. No offense.
"Please mahalin mo siya. Huwag mo siyang saktan ULIT. Huwag mong hayaan na mapunta siya kay Mark. Lalo na kay Mark" sabi ko. Di ko maipinta ang mukha niya.
"Ba...bakit naman..." bakas sa boses niya ang lungkot. "Don't you like me?"
Napataas ang kilay ko. What does he mean by that? He expect me to like him?
"I like you. But I don't love you. And I like you as a friend. Right?"
Hindi siya makapagsalita. May nasabi ba ako? Bakit halos mangiyakngiyak na to? Ano nanaman ang ginawa ko?
"But I like you. Diba? Hindi mo ba nararamdaman? Ilang beses ko pa bang ipaparandam sayo?"
"You just like me but I know you love Zoe. Minahal mo na siya at alam kong meron ka paring nararamdaman para sa kanya kahit nung una hindi mo alam na siya si Princess diba?" Hinawakan ko siya sa braso. This is a serious talk. The first serious talk I had with this guys.
"Zoe needs you. Ayokong masaktan siya. Please take care of her. She's may friend."
Tinitigan niya muna ako bago umalis. If Pete was meant for me? I will accept because I don't really care what destiny do to me. But I won't let my love ones be hurt.
Not everyone can have a happy ending.
(itutuloy...)

BINABASA MO ANG
Living with five boys (editing)
Teen Fiction'Friends'. Mahirap hanapin pero madaling mawala. Paano kung kahit anong gawin mo ay hindi mo maramdaman na may ganun ka? Kahit nakitira ka na sa mga lalaki eh wa epek parin? Sa tingin mo ba mararamdaman mo yun kung iwanan mo sila?