Chapter Thirty Seven

7.7K 234 79
                                    

Lahat sila parang nagulat sa sinabi ko.
Si Veer ang unang nakabawi.

"Hi! Welcome to our Family!" nakangiting pahayag nito.

"Maupo ka iho. Wag kang mahiya." Tita Siena said.

"Blessed on them." bulong ko kay Renz na halatang kinakabahan.

"Ay, hello po! Thank you!" isa isa siyang lumapit kila Tito Cale, Tita Siena at Mommy para mag-bless.

Samantalang si Jez ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Tita Siena.

"Bless you iho." Mommy talk finally.

Napatingin ako kay Jez, nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtama ang tingin namin.

Nabigla ako ng ngumiti siya sa akin. Pakiramdam ko may kumurot sa puso 'ko.

"May darating pa ba?" sulyap na tanong ni Mommy kay Jez.

"Si Veer baka may dumating na boyfriend hahaha" tumatawang tudyo ni Jez sa kapatid.

"Anong boyfriend? Kahit manliligaw, bawal pa!" mabilis na tutol ni Tito Cale dito kaya nagtawanan sila.

Ako lang talaga nakakaramdam ng awkwardness ata.
Nasasaktan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Ako na naman nakita mo! Mag-videoke na lang tayo." aya sa amin ni Veer.

Inayos ni Tito Cale ang videoke set kaya kanya kanya na rin kami naupo dun.

"Mom, may kukunin lang ako sa kotse." narinig kong paalam ni Jez kay Tita Siena at lumabas na ng bahay.

"Nasaan na si Jez?" agad na tanong ni Veer habang nag-titipa sa videoke.

"May kukunin daw sa kotse." mahinang sagot 'ko. Ako kasi nasa tabi ni Veer.

"Ay, daya! Dapat nagpasok muna siya ng kanta eh. Ayuko mauna." reklamo ni Veer pero nagpapasok naman na siya ng kanta.

Nagkakatuwaan na kami sa videoke pero wala pa rin si Jez. Di pa rin siya nabalik. Ano ba kinukuha nun sa kotse? Haay.

"Kanta ka." alok ni Mommy kay Renz.

"I don't sing. Sorry po." magalang na pagtanggi nito.

"Okay lang. No need to sorry." nakangiting tugon ni Mommy dito.

"Klaisse.." alok ni Mommy sa akin ng song book.

Tinitigan ko naman siya ng kakaiba. Hindi naman kasi ako nakanta, lalo na maraming nakakarinig.

"Jez! Finally! Kanta ka." masayang alok ni Mommy kay Jez na kapapasok lang.

May mga dala itong paper bags. Ito yata ang kinuha nya pero ang tagal naman.

"Ah sige po. Gusto ko yan! Haha" bibong sagot niya.

Nilapag nya ang mga paper bags sa ilalim ng christmas tree at kinuha na ang song book.

"Usog." naupo siya sa gitna ni Veer at Tito Cale.

Bale ang pwesto namin.

Tita Siena - Mommy - Renz - Ako - Veer - Jez - Tito Cale.

Makalipas ang mga dalawang kanta ay si Jez na ang kakanta.
Di ko maiwasan hindi ma-excite. I miss her voice. Her singing voice.

Especially for you by MYMP

"Kanino dedicated? Haha" tudyo ni Mommy dito, umiling iling naman si Jez habang nakangiti.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon