Chapter 6

28.6K 624 10
                                    



Sa DAVID'S HOSPITAL ako dumeritsyo kasi Wala namang ibang ospital pa ang nandito malapit samin.
Habang binabasa ko ang pangalan ng hospital ay napapa kanta ako ng......

The David's salon~~~

Wala masyadong tao kaya mabilis lang akong naka pasok.Pero kanino ako magtatanong?
Naglibot muna ako sandali para makahanap ng pagtatanungan.
Ngumuso ako ng Wala akong napag tanungan.Shezzzz!
Sa front desk pala ng hospital!
What a shame of me.
Ano bang isip meron ako!?
Di kasi muna nag iisip puro pagmamadali lang ganern.
Pagtatalak ko naman sa sarili ko.Para na siguro akong baliw dito na bumubulong.

"Miss,kanina pa kasi kita napapansing May hinahanap.Maari ko bang malaman kung ano po yung hinahanap niyo Para matulungan ko kayo?"Nag ningning ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.
Mabilis ko naman siyang hinarap.
Isa siguro tong nurse sa uniform palang niya.

"Ano kasi ate,hehe San po ba yung Doctor about sa,——"
Hindi ko alam kung anong doctor ba ang pupuntahan ko talaga.
Anong klaseng doctor nga ba?

"Ano po Ma'am?"pagtatanong ulit nong nurse nang naudlot ang sasabihin ko.
Nakakahiya ka self!

Napakamot ako sa ulo dahil sa kahihiyan.

"Sa totoo lang po hindi ko alam kung anong klaseng doctor kailangan ko.Medyo nag worry lang po kasi ako sa sarili ko.
Iba kasi yung nararamdaman ko.feeling ko may sakit ako or what."pagsasabi ko dito ng totoo kaya napatango naman siya sakin.Buti nalng tlaga at mabait si ateng nurse.Ang iba kasi kala mo isang principal sa katarayan.

"Hmmm natural lang naman po ang maguluhan ma'am.By the way pwede pong malaman ang nararamdaman niyo this past few days po."pahayag nito habang nginingitian ako.Awwiieett sana all talaga mabait.

"Naduduwal kasi ako every morning,then mas naging matakaw ako this past few days.Baka kako may sakit ako o kaya nasobrahan lang sa pagkain hahaha."feeling close kung saad dito with matching paghampas pa.

Nginitian niya ako habang hinawakan ang bandang hinampas ko kanina.
Luhhh.
Masyado bang malakas?
Baka nasaktan ko siya,nako talaga self.Behave.

"Sorry,masakit ba?"pagtatanong ko dito ng hindi siya magsalita.
Pero kalaunan ay ngumiti narin siya ng magaan.

"Okay lang ma'am.Mukhang alam ko na kung anong doctor ang kailangan mo ma'am."naka ngiting pahayag nito kaya Napa hampas ako sa hangin sa tuwa.
Sakanya ko sana yun ihahampas kaya lang bigla akong nahiya.
May hiya pa pala ako!?

"Talaga ba,anong klaseng doctor nga ba ang pupuntahan ko para di na kita maabala."masaya kung saad dito dahil sa wakas ay makakapag pa check up narin ako then uwi.

"Walang problema ma'am,sunod nalng po kayo sakin para hindi na kayo maghanap pa o kaya naman ay maligaw pa."dahil sa sinabi nito ay mas napangiti ako shezzzz!
Ang swerte ko today!

"Hihi sige ba,salamat tlaga huh."nginitian niya lang ako bago naglakad.
Sumunod naman ako agad baka mawala pa ako another problem na naman.
Hindi ko mapigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa.
Infairness ang ganda ni nurse,pero may kaliitan nga lang.Ang puti parang labanos,sarap siguro nitong iulam haha di joke lang para akong aswang pag nagkataon.

Muntik na akong mabunggo kay nurse ng bigla siya huminto.

"Nandito na po tayo ma'am,pasok lang kayo.Maswerte kayo at ikaw ang unang pasyente ni doctora."
Ang bait niya tlaga kahit kailan.
Maganda na nga ang bait pa sana ol nalng talaga.

"Salamat tlaga nurse auh,ako nga pala si Sunny Dizon,"pagpapakilala ko dito dahil masyado akong feeling close di ko naman alam kahit pangalan.

Naglahad din ako ng kamay dito.
"Nice to meet you ma'am Sunny,Im Nurse Rhea its my job to help you po."magalang nitong saad bago tinanggap ang kamay ko.
Ngumiti naman ako dito bago nag paalam.Masaya ko namang binalikan ang pintuan ng doctor daw para saakin.
Binasa ko ito,
Shezzzzzz!
Hindi naman siguro.
Di ko naman ineexpect na dito niya ako dadalhin.
Hindi ko matanggap.


















Nasa OB lang naman ako.
Pero pwede rin dahil nga may naka you know ako diba?
But what the heck!
Parang hindi maproseso sa utak ko lahat ng mga posibleng mangyari o mangyayari pa.
Aalis nalng siguro ako,
Nang akmang tatalikod ako ay siya namang pagbukas ng pintuan.

Hindi ko na natuloy ang pagtalikod napangiti nalng ako ng hilaw.
Wala na Game over na.
Maganda ang pagkaka ngiti nang doctora sa harapan ko.

"Good morning hija,your so lucky dahil ikaw ang una kong pasyente.
Doctora Clear nga pala,come in hija."masayang bungad ng may katandaang doctora.
Kung hindi ako nagkakamali ay nasa late 50's na siya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalng dito.

Mygosh guide me po!

————

TULALA akong naupo sa harapan ni doctora.Mas mabuti na sigurong try ko nalng kesa umuwi pa ako.
Saka nakaka pagod magbyahe tapos uuwi ka lang ng ganon.

"So Ms.Dizon,kamusta ang pakiramdam mo?"pag uumpisa ni doctora ng walang umiimik sa aming dalawa.

"Actually doctora,medyo masama po yung pakiramdam ko nitong nakaraang araw."pag amin ko naman dito,para saan pa at magsisinungaling ako kung para naman sa kalusugan ko.
Napatango naman ito sa naging sagot ko.

"Nagsusuka ka ba every morning?O kaya naman ay mas naging triple ang pagkatakaw mo?
Pwede ring nag cracrave sa food na ayaw mo noon?"Napanguso naman ako sa sinabi nito dahil lahat ng sinabi niya ay nararamdaman ko.

"Nararamdaman ko po yan lahat doctora,posible po bang may sakit ako or ano man?"napakamot ako sa noo ko dahil tense ako masyado.
Kalma lang naman kasi self,di ka naman siguro mamatay.

May naglalaro nang imahinasyon sa ulo ko na kinababahala ko ngayon.Pero pilit ko itong winawaksi sa isipan ko.Positive thought lang ang gusto kung maisip hindi negative.

"Posibleng buntis ka hija,para maka sigurado tayo use this."Straight forward nitong saad sabay abot ng puting box sa harapan.
Hindi ko alam kung gagalaw pa ba ako o magsasalita muna.Nanginginig kung kinuha ang box na nasa kamay ni doctora.Naramdaman ata niya ang panginginig ko kaya siya na mismo ang naglagay sa kamay ko nito.

"Relax ka lang hija,marami akong naging pasyente na hindi handa.Pero sana naman ay pangatawan mo ang mga posibleng mangyari sayo ngayon."nangungubinsing saad nito saakin.Pero walang pumapasok sa isipan ko kundi ang kalalabasan nito.Hindi pa ako handa,mag aasawa pa ako ng kano!

Yung panot na mayaman sana para wala akong kaagaw.Mayaman naman si boss pero masyadong attractive marami akong kaagaw.
Pero wait!
Bat napunta ako kay boss!?
This is not good for my health talaga.

"Gagawin ko na doctora."mabilis kung saad dito saka tumayo na.Nakita ko pang napahawak siya sa bandang puso niya.
Luhh,gulat much doctora?

"Nakaka gulat ka naman masyado hija,mabuti pang gamitin mo na at ng malaman natin."Wika nito at tinuro ang banyo sa loob ng opisina nito.
Hinatid pa ako nito sa pintuan.

"Alam mo bang gamitin yan?"pagtatanong nito.Sa totoo lang hindi ko alam,tiningnan ko naman ang box saka nakita ang instruction nito.Keri ko naman siguro to...

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon