Chapter 20

23.8K 547 14
                                    

Mag iisang oras na akong naghihintay sa labas at baka lumabas ang anak ko pero wala parin.Gosh hindi ko alam ang gagawin ko.Hindi rin naman ako makapasok kahit anong gawin ko.

"Kuya naman o please lang po,kahit hindi niyo na ako papasukin basta ipahanap niyo lang yung anak ko sa loob."paki usap ko sa guard.Nakita kong nag aalangan pa siya pero tanging siya nalng ang makakatulong sakin ngayon.

"Bantayan mong Hindi maka pasok dahil lagot tayo sa management."nag pasalamat ako ng kausapin nito ang kasama niya.Mas Okay nang maghintay ako dito At baka magka salisi kami ng anak ko.

"Thankyou so much po talaga kuya."natataranta kong saad dito parang anytime lang ay magbabagsakan na ang luha ko sa sobrang pag aalala.

"Maupo nalng po muna kayo Ma'am,kanina pa po kayo naka tayo."nagising ang diwa ko sa sinabi ng isa pang gwardiya.
I just nodded at him saka naupo dahil bigla kong naramdaman ang pangangalay.

Hindi ako Mapakali sa kinauupuan ko.Paano kong nagkita na sila ng tatay niya?Tapos ang anak ko lang ang nakakakilala sakanya bilang tatay?
Kinuha ko ang phone ko saka ko tinawagan si Dark.Ilang dial din ang nagawa ko pero ni isa ay hindi niya sinagot.
Baka masyado itong busy kababantay kay Sky tapos kukulitin ko pa.Tinago ko ulit ang cellphone sa bag at saka ko nakita ang guard na hiningan ko ng favor kanina.

Nang makalapit dito sa pwesto ko ay tumayo ako agad.
"Ma'am,pwede na po kayong pumasok."Napa maang ako sa sinabi nito.Tinuro ko pa ang sarili ko.
"A-ako?"utal kong saad dito kaya mabilis na napatango ang kausap ko.

Dahil sa sagot nito ay pumasok na ako, mamaya na ako magpapasalamat pag nakita ko na ang anak ko.
Inuna ko siyang hanapin sa front desk,sa hagdan,second floor,third floor,

Kinakabahan ako habang tumataas ang elevator,papunta na ako sa eight floor kong saan naka based ang CEO.
Sana naman ay hindi pa sila nagkita.
Nang bumukas ay bumungad sakin ang dati kong opisina.Bat ganon?
Wala paring pinagbago Kahit ni isa.Sa galit ko kasi noon ay hindi ko na nabalikan ang mga gamit ko.

Dahil hindi ako sigurado ay binuksan ko ang dating drawer ko.May naka tagong printed pictures ko dun eh.

Mas naguluhan ako ng makitang kumpleto parin ang gamit ko.
Sumasakit ang ulo ko kakaisip kong Anong nangyayari dito.

Umalis ako sa dati kung opisina saka dahan dahang naglakad tungo sa opisina ng CEO.
Akmang kakatukin ko na ito ng bigla itong bumukas.
Napa tanga ako sa gulat ng makita ang taong iyon.
Sa loob ng tatlong taon bigla na naman  tumibok ang puso,Wala sa sarili akong napahawak sa bandang dibdib ko.

Don't tell me hindi parin ako naka move on?
Naghirap akong mag move on ng tatlong taon!Tapos hindi man lang ako naka usad?
Unang pagkikita pa Lang namin sa ilang taong nagdaan Pero parang nong isang lang kami huling nagkita.

Parang biglang nag flashback sa utak ko ang lahat ng masasakit na salitang binitawan nito saakin.
Biglang naglaho ang kung ano man sa dibdib ko,napalitan ito ng pagkamuhi.

Matapang ko siyang tiningnan sa mata At pinatigas ang expresyon ng mukha ko.

"Nasaan ang anak ko?"kasing lamig ng yelo kong saad dito.Pero parang malulusaw ako sa klase ng pag tingin niya saakin.Napalunok ako ng Wala sa oras ng bigla itong ngumisi sa harapan ko.

"You mean our son?"tila inosenteng saad nito saakin.Ang boses nito na ang seryuso masyado sa pandinig.
Parang kakapusin ako sa hangin dahil sa lapit nito.

"A-ano naman ngayon!?Ilabas mo ang anak ko at aalis na kami."nagmamadali kong saad Dito,bigla kong nakalimutan ang kalagayan ng isa ko pang anak ko.

"C-can I asked for your help?I promise na hindi mo na kami makikita pa.Ngayon lang naman kasi Kailangan talaga kita."dumilim ang anyo nito habang pinagmamasdan ako.Kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang naka ratay na ako mismo sa kinatatayuan ko.

"You'll come back because you need me?Youre always like this Sunny,running away from me!How about me?Hindi mo man lang ba tatanungin kung Okay lang lahat ito saakin!?Pinagkait mo ang anak ko sakin,Sunny!"nang gagalaiting saad nito saakin.Napa pikit ako sa kaba ng makitang namumula ang mga mata nito.
Parang Bigla akong nagsisi sa mga nagawa ko pero nasaktan lang din ako.

"W-wala ako rito Para pag usapan ang nakaraan.Ill do everything para pumayag kang iligtas ang anak ko.Im here in front of you begging for your help.I promise I'll do everything just please help my son."umiiyak kong saad dito saka dahan dahang lumuhod sa harapan ko.Gagawin ko ang lahat para sa anak ko.Kahit ang pride ko ay lulunukin ko Para lang sa kambal ko.

Hindi pa man naaabot ng tuhod ko ang semento ay May pumigil na saakin.Ramdam ko ang init ng mga kamay nitong naka hawak saakin.

"My son Cloud?Anong sakit niya?I'll help my son on my own,so you don't have to beg for it."bumalik na naman sa pagiging malamig Ang boses nito.Parang ang buong pagka tao nito ay malamig pa sa yelo.

Umiling ako dito.
"Not him,his brother Sky."maikli kong pahayag dito.Napa kunot ang nuo nito sa sinabi ko.Naguguluhan siguro sa mga sinasabi ko.

Hindi ko na inantay pang mag tanong siya.

"His twin brother, his suffering from dengue and he needed some blood from you."wika ko dito habang pinagmamasdan siyang lumayo saakin.

"Ano pang tinatago mo sakin?May balak ka nga bang sabihin sakin ang lahat?"pang aakusa nito na parang may mali na naman akong ginagawa.Ako pa talaga?
Eh siya nga yung manloloko saaming dalawa eh.
"I'll help in one condition."pag dudugtong nito sa sinasabi niya.
Matapang ko naman siyang hinarap.Hindi ako papaapekto ng dahil sa kanya.

"Anong kondisyon?"matapang na pag tatanong ko dito pero deep inside ay para na akong maiihi sa kaba.

"Marry me."parang bumibili lang ng kending saad nito saakin.
Bagsak panga ko itong tiningnan na parang sinasabi kong SERYUSO!

Hindi ko mabuka ang bibig sa kawalan ng sasabihin dito.
Ano daw!?

Susunod......

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon