Chapter 17

23.4K 527 12
                                    

HINAWAKAN ko ng mahigpit ang kamay ni Cloud ng papalabas na ng airport.
Natatakot akong mabitawan siya kaya napag desisyunan kong buhatin nalng siya.Hindi naman ito nagreklamo kaya mas matiwasay kaming naka labas.

Dinaanan pa namin ang bagahe bago tuluyang lumabas.
Pero May naghihintay daw sa labas saamin sabi ni Dark.Secretarya niya daw ito At siya ang maghahatid sa tutuluyan namin.

Nang makuha ang mga bagahe ay binaba ko na si Cloud dahil hindi ko kayang bitbitin ang maleta At siya.

"Wag masyadong malikot Cloud huh,uuwi na tayo agad Para makapag pahinga ka."wika ko dito nang makitang alas 6 na ng gabi.
Hapon na kasi ang flight namin kaya inabot ng gabi.

Napa balik ang tingin ko kay Cloud ng hinihigit nito ang damit ko.
"Mymmy,your name is there po oh."Saka ko sinundan ang nginuso nito.Napangiti ako dahil hindi na kami mahihirapan pang hanapin ito.

"Tara na,I think she's your tito Dark's Secretary."pag aaya ko dito nauna pa siyang naglakad sakin kaya sumunod nalang ako.

Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang Secretarya ni Dark.Ang ganda niya,Di kataasan pero Sobrang puti naman.Hindi ako naniniwalang Kahit kailan man ay hindi na attract si Dark dito.
Sa Ganda nito ay imposibleng hindi mapansin.
Napangiti ako ng May maisip na kalokohan.Meron na akong aasarin kay Dark.
Pikon pa naman iyon masyado,yung tipong kunting asar mo lang ay mag wawalk out.
Tapos kung siya ang mang aasar ay Para kang Maiiyak dahil hindi ka talaga niya titigilan.

Nang makalapit kami dito ay saka lang ako nag salita.

"Your Dark's girlfriend right?"inosente kong saad nakita ko kung pano ito namula at nag iwas ng tingin.
I smell something fishy,hmmm.

"S-secretary niya po ma'am,You are Ms.Sunny Dizon po?"kanda utal pang saad nito kaya mas lalo akong na cucurious.

Kunwaring nagulat pa ako sa sinabi nito.
"Yes I am,akala ko lang pala.Im sorry about that."kunwaring naguguluhan kong saad dito.
Papasa na kaya akong best actress nito?Hayyy kalokohan.

"O-okay lang po ma'am,by the way.Welcome to manila,just follow me ma'am para mahatid ko na kayo sa tutuluyan niyo."nakangiti nitong pahayag kaya tumango na lamang ako dito.

"Sunny nalang,parang ang tanda ko na sa ma'am eh."palakaibigan kung saad dito.
"No worries Sunny,Ako nga pala si Savannah Smith.Vanna nalng Ms.Sunny."ommuuu shes very pretty and thoughtful talaga.I like her for tatay Dark na talaga.

————-

Napa kunot ang nuo ko nang itinigil ng driver ang sasakyan sa harapan ng isang mansyon.
Don't tell me dito kami mag sistay?
"Dito kami tutuloy?"hindi ko maiwasang mag tanong.Ang sabi kasi ni Dark ay maliit na tirahan lang daw kaya pumayag ako.

"Yes Ms.Sunny,Ito po talaga ang tutuluyan niyo.Sariling mansyon po ito ni boss Dark."nakangiti nitong saad pero Napanguso ako sa endearment nila ni Dark.
Boss talaga?
Ang pangit masyado ng tawag nito.

"Mymmy,its really big.Can we enter na po so that I can sleep na."nagising ang diwa ko ng magsalita ang anak ko.
Awww,kawawa ang baby ko dahil inaantok na talaga ito.
Namumula na ang mata na pilit nitong dinidilat.

Wala akong choice kundi ang pumasok na para makapag pahinga ang anak ko.

"Thankyou so much Vanna huh,sobrang laki ng help mo para saamin."wika ko dito nang makitang naglalakad na ito palabas ng mansyon.

Yumuko pa ito bago nagsalita.
Korean lang ang peg?Masyado siyang formal kaloka.
Sabi ko kanina Sunny nalang pero may Ms. pa talaga.

"Its my pleasure Ms.Sunny, by the way yung kwarto niyo pala ay nasa second floor.Saka okay narin po yung groceries ninyo,good for 1 week."pagbibigay instruction nito kaya tumango nalng ako.
Nag paalam niya siya agad dahil may importante pa daw siyang gagawin.

Nang maka alis siya ay saka ko lang nilapitan ang anak kung naupo na sa sofa.

"Lets Go baby,pasok na tayo sa magiging kwarto mo."pag aaya ko dito.Tumayo ito na parang tamad na tamad na talagang maglakad.
I cant blame him,first time niyang sumakay sa eroplano .
Buti nalng talaga at hindi ito nagsuka.Puro cellphone lang inaatupag niya kanina eh samantalang ay naka idlip ako.

Iniwan ko muna ang maleta ko saka ko siya binuhat.
"Awww sleepy na ba masyado si baby Cloud ko?"malambing kong pagtatanong dito.Hindi ito nagsalita pero niyakap niya ang leeg ko saka siniksik ang ulo.

Sabi naman ni Vanna ay bukas lahat ng kwarto kaya pwede daw kahit saan kami tutuloy.
Iisang kwarto nalang ang gagamitin namin ni Cloud para magkasama kami.Napili kung pwesto ay ang pinaka unang pintuan.

Dahan dahan ko naman itong binuksan.Tama nga si Vanna at hindi naka lock ito.

Hiniga ko sa kama si Cloud saka hinubad ang jacket nito at sapatos.
"Sleep well,tatabi si Mymmy sayo maya maya huh.Maghahalf bath lang muna ako."tumango lang ito saakin at hindi na napigilang ipikit ang mga mata.
Hinalikan ko muna ito sa nuo bago lumabas at kunin ang mga maleta namin.Grabe narin ang pawis ko,iba talaga sa Baguio.

Parang tumakbo ako ng ilang kilometro sa sobrang pawis ko.
Pupunasan ko nalng mamaya si Cloud bago maligo para hindi ito magkati.
Sobrang sensitive ng mga balat nila.Samantalang ako ay nagsasabon pa ng panlabada pero hindi naman ako nangangati.
Nalaman ko lang yun no'ng time na tumulong sila saking naglaba.
Kamay lang kasi ang ginagamit ko kaya nakigaya sila.

Tapos no'ng natapos na ay saka ko nakita ang namumula nilang mga kamay.Parang may maliliit na pula pula parang polka dots.

Tatlong araw ding ganon ang kamay nila.Binalabad ko sa ice buti nalang at naging maayos din.

Napa buntong hininga ako ng mamiss ang kakulitan ng anak kong si Sky.
Nilabas ko ang cellphone saka ako nag text kay Dark.Gabi na at baka nagpapahinga na ang anak ko.

To:Tatay Dark

Nakarating kami ng safe ni Cloud.Kayo diyan kamusta na?Hindi ba umiyak si Sky?

Send....

Hinintay ko pang mag reply ito bago maligo dahil nag aalala ako sa dalawa.
Nakahinga ako ng maluwag ng mag reply ito.

From:Tatay Dark

His sleeping already.Mag iingat lang kayo lagi ni Cloud diyan.Kaya ko namang bantayan si Sky kaya you don't have to worry about.
Call me if you need anything para hindi ka mahirapan.

Nang mabasa ang text ay saka ko kang binitiwan ang cellphone ko.
Nakakapagod ngayong araw na ito.
Sana naman ay maka usap ko na si Winter para maka uwi na kami.


Susunod.....

———-
Author's note:Enjoy reading guys!Drop your comment if may tanong or may mali ako para maitama ko.
Thankyou!
Still editing pa po.Sana mahintay niyo yung edited version.

Hiding the CEO's twins (COMPLETED✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon