Chapter 2 shylove

156 5 0
                                    

Pagkatapos kong mamahinga gumayak na ako upang maaga akong lumabas sa kagubatan.Suot ko ang aking puting bestida na galing pa sa aking namayapang ina at kulay tsokolateng sandalyas na binili naman nang aking lola.Binuksan ko ang aming lumang aparador upang kuhanin ang aking kulay pulang balabal at lumabas na nang silid upang hanapin si lola at magpaalam.

"Lola,"tawag ko sa kanya.

"Shy,apo"mahinang sigaw ni lola.

Pagkasilip ko sa bintana nakita ko siyang nakaupo sa tabi kanyang mga pananim na halamang gamot.
Lumabas ako upang makalapit at makapag paalam na rin.
"Lola,aalis na po ako."tugon ko sa kanya.
"O,siya sige at ikaw mag-iingat".paalala niya sa akin.

Lumapit ako upang halikan ang kanyang noo na lagi kong ginagawa sa kanya kapag ako'y laging umaalis.

"Sige po lola mag-ingat din po kayo diyan".ang sabi ko sabay alis na.

Habang tinatahak ko ang kagubatan hindi ko maiwasang tumingin sa paligid at mamangha.napakaganda nang tanawin ang mga puno at dahon na kulay berde ay napakasarap titigan ang preskong hangin kaysarap damhin'ang mga ibon na nag sililiparan kaysarap pagmasdan.
Malapit na akong makarating sa ilog ngunit ako'y nagulat nang makarining ako nang mga nagtatawan at yabag nang paa ng mga kabayo.

"What the fuck dude"wika nang hindi ko kilalang boses.

"Tinanggihan mo si Moira Marquez'dude napaka hot nung chika babes na yun sayang naman"
"Sana man lang binalato muna siya sa aken".mahabang lintaya niya.
Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.kaya napakunot nalang ako nang noo..

"I dont care".sagot nang baritonong boses.
Nanindig ang aking mga balahibo at parang tumigil ang aking paghinga sa kakaibang niyang boses napakalamig at parang napaka misteryoso nang kanyang buong pagkatao.Tila hindi ako makakilos ramdam kona na malapit na nilang marating ang aking puwesto.
Nang maramdaman konang malapit na talaga sila handa ko na sanang hihakbang ang aking mga paa upang umalis na'ay siyang pagsulpot nang mga hinde ko kilalang nilalang.Dala nang gulat ako ay napatulala at naestatwa sa harapan nang isang napaka gwapong nilalang.makapal ang mga kilay ang mga mata ay kasing dilim nang gabi,matipuno ang kanyang pangangatawan at matangkad ang kulay nang balat ay maputi at mamula mula dulot siguro nang araw.

"Oh little red riding hood".wika nang kanyang kasama.












ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon