Chapter 10 shy love

90 5 0
                                    

May lumapit na matandang babae sa amin.

"Leticia 'Tessa kayo na ba yan"?tanong niya sa dalawang matanda.

"Ay nako malabo naba ang iyong mata at hindi mo na kame mamukhaan".sagot naman ni lola tessa habang ang aking lola ay tipid na ngumingiti.

"O siya halina kayo at kumaen'sigurado napaka layo pa nang inyong naging biyahe".sabay hila sa kamay nang mga matatandang kasama namin.

Nang ito'y napatingin sa akin ay bigla itong tumigil at titig na titig sa aken.

Aba'y sino ang magandang dilag na ito".wika nito na hanggang ngiaun ay sobra ang paninitig niya sa akin.

"Ah,siya si shylove ang apo ko".pakilala ni lola sa akin sa matanda.

"shy ito naman ang lola precy mo katulad nang lola tessa mo isa ko rin siyang matalik na kaibigan".ngumiti ako at lumapit sa kanya upang mag bigay galang.

"Magandang tanghali po". Bati ko sa sabay kuha sa kanyang kanang kamay upang mag mano.

"Kaawaan kanang diyos apo".napakagandang bata at napaka galang pa".sabi nito sabay hatak kina lola leticia at lola tessa.

"Halina kayo at maghanap nag mauupuan at nang kayo ay makakaen na.

Nang mapunta kame sa ginaganap na pagdiriwang mas lalo akong namangha.
Napakaganda nang pagkakaayos nang mga lamesa ang mga bisita nila ay napakaganda nang kanilang kasuotan.
Halos manliit ako sa aking itsura.

"Precy sigurado kaba na imbitado kame dito"? Tanong nang aking lola.mukhang pati siya ay nag aalangan.

"Ano!kaba leticia oo' naman parang hindi mo kakilala si senyor felix".parang pamilyar ang pangalan na binaggit ni lola precy pero hindi ko lang alam kung saan kona narinig iyon.

"O,siya sige maiwan ko muna kayo diyan at marami pa akong gagawin'maupo lang kayo at kumaen diyan".sabay alis nito upang matulungan ang mga kasamahang abala sa mga kani kanilang mga gawain.

Umupo kami at tulad nga nang sinabi ni lola precy ay kumaen na kame.
Malapit kunang maubos ang aking pagkaen nang biglang may nagsalita sa maliit na entablado na nakalagay sa harapan.

"Good afternoon everyone'I would like to thank those who attended our little party. And I would also like to welcome my eldest son' Ryder Sebastian Léi Viere".

Napatulala ako sa lalaking seryosong naglalakad papunta sa maliit na enteblado.
Ang madilim niyang mga mata ay seryosong nakatingin lang sa harapan.
















ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon