Chapter 14 shylove

102 4 0
                                    

Malamlam ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.Wari'y sinusuri ang aking buong pagkatao.

"Senyorito......"tawag pansin ni lola precy sa kanya kaya naman nabalin ang kanyang atensyon sa dumating na matanda.

"Nako Senyorito Ryder kanina pa po kayo hinahanap ni Senyor Felix".ang sabi nito sa kanya.Nalihis bigla ang pansin ni lola precy  sa amin ni lola.

"Leticia may problema ba".tila nag aalalang tanong nito sa kanya.
"Wala naman precy".tipid na sagot ni lola..

"Magpapasalamat lang sana kame sa pag imbita ninyo sa amin'kaylangan na din namen na magpaalam nang aking apo at malayo pa ang aming uuwihan".
Mahabang sagot ni lola sabay hawak sa aking kamay na naglilikot parin.

"Ay'ganoon ba".tila gulat na sabi ni lola precy ."akala ko ba ay tutulongan mo ako sa aking gawain".nakakunot noong sabi nito.
"Pero di na bale alam kong pagod na kayo sige at ipapahanda ko na ang inyong masasakyan kay karding nang agad ay makauwe kayo nang ligtas at maaga.sabay alis nito'.

May narinig kaming pagtikhim ni lola kaya naman nabaling ang aming atensyon sa lalaking kanina pa pala nakamasid sa amin'ang buong akala ko nakaalis na siya.

"Senyorito.. maraming salamat po sa inyong paganyaya sa pagdiriwang na ito'nais ko na rin humingi nang pasensya sa nangyari kanina".

Nais ko sanang tignan ang kanyang reaksyon ngunit wala akong lakas nang loob upang gawin iyon'.

"Ok lang po iyon lola".sagot niya'hindi niya ginamit ang kakaibang lenggwaheng nakasanayan kong marinig sa kanya.Dala narin nang gulat ay napaangat ang aking mukhang kanina pa nakayuko at may halong pagkamangha ko siyang tinitigan.Nagtama ang aming mga mata.Muli ko nanaman nasulyapan ang kanyang mga matang sing dilim nang langit sa gabi.
"Wala naman pong ginawang mali ang apo niyo lola'.Muli niyang sinabi  kay lola at sabay sulyap sa akin.
"Sadyang may mga tao lang na makikitid ang mga utak"!may diing sambit nito sabay tingin sa kasintahan.Kakaiba ang pinupukol nitong tingin na sadyang nakakatakot.

"Kung gayon po aalis na po kame nang apo ko,maraming salamat po ulit senyorito".huling sabi ni lola sabay akay sa akin paalis sa lugar kung saan nakatayo parin ang tinatawag nilang senyorito.

ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon