Chapter 12 shylove

77 5 0
                                    

Naputol lang ang pagkakatitig sa akin nang lalaking nanggangalang Ryder Sebastian Léi Viera 'na panganay na anak pala nang pinakayamang angkan dito sa Costa Leona nang may lumapit na magandang babae,napaka ganda nang kanyang kasuotan kulay pula iyon at hubog na hubog sa kanyang katawan.
Mahaba ang buhok na parang kinulot.
Ang kanyang mukha ay parang napakatapang tignan pero hindi nababawasan ang taglay niyang kagandahan.
Nakita ko pa kung paano niyakap nang babae at hagkan ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa akin.
Umiwas nalang ako nang tingin  dahil medyo naiilang na ako sa kanya.
Nilihis ko nalang ang aking atensyon kay bebang na halos hindi na maipinta ang mukha sa sobrang busangot nito.

"Anong nangyari sayo bebang'bakit ganyan ang mukha mo"?may ngiting tanong ko sa kanya.

"Si. Fafa ryder ko may girlfriend na pala".busangot na sagot nito.

"Girlfriend".ulit ko sa kanya.

"Oo girlfriend as in kasintahan".matamlay niyang sabi.

May naramdaman akong konting
kirot dito sa may bandang dibdib ko nang malaman ko na may kasintahan na pala siya.

"Bebang hanapin ko lang si lola ah".paalam ko kay bebang.hanggang ngayon kase ay hindi pa sila bumabalik.

Tumayo na ako at luminga muna sa paligid nagbabaka sakali na makita ko sila dito ngunit bigo ako dahil hindi ko sila makita.Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap sa kanilang dalawa'dahil napaka lawak nang paligid at higit sa lahat ay napaka daming taong dumalo sa selebrasyon nagaganap dito.

Nakita ko na mukhang nahihirapan ang isang babaeng may dala-dalang plato.kaya nilapitan ko ito upang tulungan.

"Ate tulungan na po kita".mahina kong sambit.

Napatingin sa akin ang babaeng may hawak na mga plato'.
Napatulala ito sa akin at hindi kumikilos kaya naman may konting pagtataka akong naramdaman.

"Ayos lang po kayo ate"? May pagtatakang tanong ko.

"Di...di...wa..diwata".utal niyang sambit. "Isa kang diwata".malakas nitang sigaw.




........

ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon