Chapter 18 shylove

81 5 0
                                    

Tulala akong nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"Diwata maaari bang mgapakilala sayo?Namamangha niyang sambit sa akin.
Naiilang naman akong tumingin sa paligid'at dun ko napansin lahat nang mga tao ay nasa amin ang atensyon.

        "A...a ako si shy" nahihiyang pakilala ko.Ngumiti naman ito sa akin at nagpakilala.
"Ako si Melindo Gaspar"mentong for short miss beotepol". Pakilala niya sa akin.

  "Hoy mentong".Narinig kong sigaw nang nasa likuran namin."dalian mo diyan at marami kapang gagawin".Mariin niyang banggit sa taong nasa harapan ko.Hindi naman siya pinansin nito at patuloy parin siyang nakatitig sa akin.

  "Ano kaba mentong halika na'andiyan na si........

  Nagtataka ko naman itong nilingon at ganun nalang ang gulat ko nang makita ko siya'ng nakatulala at parang namumula ang mukha.

Kunot noo ko lamang silang tinignan at dahan dahan nang umalis.Baka magtaka pa si lola kung bakit ako natagalan sa pamilihan.

Isang lingon pa ang aking ginawa upang makita kung ano ang ginagawa nang dalawa'ganun pa din sila nakatulala.Nakita siguro niya ang aking mukha'dahil  sa sobrang kaba at takot ko sa misteryosong lalaki kanina hindi ko namalayan nalihis pala ang aking balabal .

Pagkadating ko sa pwesto ni Aling Cora ay binigay ko na ang dala kong  mga gamot.

"Hay nako salamat at nakarating kana".sabi nito at sabay abot sa aking hawak.

"Mabilis maubos ang mga halamang gamot na gawa nang iyong lola'kaya naman halos wala na akong itinda ngaung araw"paliwanang nito sa akin.
Sinuklian ko lamang ito nang tipid na ngiti.

"Ganda heto na ang bayad dinagdagan ko na yan para sa inyo nang lola mo".nakangiti nitong abot sa perang hawak niya.
"Maraming salamat po"magalang kong sambit.

Malapit nang dumilim ang kalangitan pero hindi pa ako nakakauwi siguradong nag-aalala na si lola.
Nagkaroon kase nang parada sa daan malapit na pala ang pista sa bayan.At ayon sa narinig ko kanina magkakaroon daw nang konting kasiyahan.
      Madilim na ang aking dinadaan'medyo nakaramdam ako nang konting takot at kaba.Sa sobrang lalim nang aking iniisip hindi ko namalayan may tao na pala sa harapan ko".
Ang mga matang madidilim at misteryoso,Napakasama nang tingin niya sa akin.

 

ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon