Napatulala ako sa gulat'at hindi kaagad ako makakilos dala marahil sa pagsigaw nang lalaking nasa harapan ko.
"Isa kabang diwata?"malakas niyang tanong sa akin.
Hindi parin ako makakilos at nakaupo parin ako sa aking pinag bagsakan.Dumarami narin ang mga tao dahil narin siguro sa malakas niyang sigaw kanina ay marami nang nakatingin sa amin at may pagkamanghang nakatitig sa akin.
Nagtataka ako kung bakit kaya napakunot noo nalang ako.Lumapit si aling cora sa amin'at nagtatakang nakatitig sa akin."Aba'y ikaw ba ang apo ni leticia.Ke gandang bata naman ire 'para kang diwata".sabay lapit sa akin at tinulungan niya akong tumayo.
"Hoy Mentong sa susunod tinitignan mo ang iyong dinadaanan".sigaw niya sa lalaking hangang ngaun nakatulala parin sa akin.
"Maraming salamat po'aling cora aalis na po ako baka hinahanap na ako ni lola".sabay ayos ko sa nahulog kong balabal'kaya pala sila nakatingin sa akin ay dahil sa pagkahulog nang aking balabal ay lumantad ang aking buong mukha."O siya sige 'magiingat kang bata ka" Naku!! kegandang bata mo naman".sabi niya sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nasa bewang."Sige po".ang aking huling sabi.Habang tinatahak ko ang daan papuntang gubat ay biglang sumagi sa isipan ko ang lalaking nakita ko sa may tabing ilog."Naroon pa kaya sila".mahinang usal ko.Dala narin siguro nang malalim kong pagiisip ay hindi ko namalayan na may paparating na yabag nang kabayo'.
Nahinto nalang ako sa paglalakad dahil sa kanyan malamig at malalim na boses.
"Silvestre stop.... 'goodboy may silvestre" malalim niyang sabi.Napatingala at napatitig ako sa kanyang mga mata.Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman biglang lumakas ang tibok nang aking puso.
"You are stunned walking maybe you want to step aside".saad niya sa akin.Dahil hindi ko naman maintindihan ang kanyang sinasabi dahil sa iba ang kanyang lenggwahe ay nanatili ako sa aking kinatatayuan.
"Fuck !!!!! I said step aside''.... Malakas niyang sigaw.Dala na rin nang takot ay napahakbang ako nang paatras.Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang kabayo.Nang nakalayo na ang misteryosong lalaki ay napabuga ako nang hangin'kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga dala nang takot.

BINABASA MO ANG
Shylove
General FictionSi Shylove ay isang babaeng inosente nakatira sa isang liblib na lugar kasama ang kanyang lola letizia.Maagang naulila si Shylove kaya silang dalawa nalang nang kanyang lola ang magkasama. Namumuhay silang tahimik at mapayapa.Ngunit magbabago ang la...