Chapter 8 shylove

98 7 0
                                    

Pagka-uwi ko sa aming kubo'agad ko g hinanap si lola.

"Lola....lola ,nandito na po ako".mahinang sigaw ko.

"Shy apo "tawag ni lola sabay pasok sa aming kubo.

"bakit ang aga mo yatang natapos sa pagligo mo sa ilog".tanong niya sakin
.
"Ah..eh..lola nilalamig na po kase ako".pagdadahilan ko na lamang

.Ayokong banggitin kay lola ang nangyari kanina sa may ilog.

"ah' sige na po lola magbabanlaw lang po ako at ako'y nilalamig na".

"O siya sige at ako'y magluluto na para sa hapunan natin".sabay lakad papunta sa likod nang aming kubo upang mamitas nang mga gulay na aming kakainin.

Bukod sa mga tanim na halamang gamot mayroon din kaming tanim na mga gulay.mayroong talong,kamatis,ampalaya,at iba pa.

Matapos kong magbanlaw'at mgabihis ay lumabas na ako sa aming maliit na kwarto upang tulungan si lola sa pagluluto.

Ngunit natapos na pala niya at nakahanda na ang aming hapunan.

"Kaen kana shy kumaen kang mabuti hah 'mga paborito mo ang mga niluto ko".ngumiti ako nang matamis nang makita ko ang piniritong talong at ginisang ampalaya 'tama nga si lola mga paborito ko ang mga ito.

"Maraming salamat po lola".sabay lagay ko nang kanin at ulam sa kanyang plato.
Matapos kaming kumaen ni lola ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan namen.

"Shy".biglang tawag ni lola sa akin."bakit  po la".sabay lapit sa kanya .

"Nagpunta si tessa dito kasama niya ang kanyang apo na si binyang". Si tessa o lola tessa ay kaybigan ni lola.

"Ang sabi niya ay may magaganap na malaking okasyon sa mga Léi Viera".

Ang mga Léi Viera ay kilala sa pinaka mayamang angkan dito sa Costa Leoana ayon yan kay lola sapagkat hindi ko pa sila nakikita.
Naririnig ko lang sila kay lola kapag nag kwekwento tungkol sa mga mayayamang angkan na naninirahan dito sa lugar namin.

"At ang sabi ay imbitado daw tayo".















ShyloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon