Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas 'ngunit nasa isipan ko parin ang mistersyosong lalaki na nakita ko sa tabi nang ilog.
Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito parang may kakaiba sa kanya.Dahil sa nangyari noon sa pamilihan hindi na muna ako lumabas nang gubat upang maibenta ang mga halamang gamot ni lola.
Hapon na at nakatulala lang ako sa may tabi nang bintana tinatanaw ang mga dahon na nalalaglag sa sanga nang mga puno."Shy,apo ko".tawag pansin ni lola.
"Ano po iyon lola".sagot ko.
"Hindi kaba pupunta sa ilog'mga ganitong oras nagpupunta ka sa may ilog upang maligo".Tipid lang akong ngumiti sa kanya.
"Sige po mamaya na lang po magpapalipas po muna ako nang kaunting oras".sabay tayo sa aking kinauupuan.
"Hala,sige na pumunta kana dun'pansin ko ilang araw kanang tulala diyan mukhang malalim ang iyong iniisip".histerikal na sabi ni lola.
Napangiti nalang ako sabay yakap sa kanya."Lola ayos lang po ako"mahinang sabi ko sa kanya'sabay tawa."ikaw talaga lola kung ano-ano nalang iniisip mo".
Tulad nga nang sabi ni lola nagtungo nga ako sa may ilog upang maligo.
Malayo palang ako rinig ko na ang agos nang tubig'napakalinaw pa nang tubig makikita mo ang mga bato sa ilalim.
Pumikit ako upang damhin ang lamig nang hangin'may ngiting lumabas sa aking mga labi.
"Napakaganda talaga".mahinang usal ko.
Hinubad ko na ang aking suot na tsinelas'at dahan dahan kong inalis ang aking pulang balabal.
Umihip ang malakas na hangin dahilan upang tangayin ang aking kulay na tsokolateng buhok'hinawi ko ito at nilagay sa aking magkabilang tenga.
Dahan dahan akong lumusong sa tubig upang magbabad'."Ahhhh...napakalamig".natatawang sambit ko.
Nang matansya ko na ang lamig ay sumisid na ako napakasarap sa pakiramdam ang malamig na tubig sa ilog.Nang maramdaman kona na kinakapos na ako nang hangin ay dahan dahan akong umahon.
Subalit laking gulat ko na lamang nang may nakita akong lalaki na nakatayo sa isang malaking bato'habang hawak ang aking balabal.
BINABASA MO ANG
Shylove
General FictionSi Shylove ay isang babaeng inosente nakatira sa isang liblib na lugar kasama ang kanyang lola letizia.Maagang naulila si Shylove kaya silang dalawa nalang nang kanyang lola ang magkasama. Namumuhay silang tahimik at mapayapa.Ngunit magbabago ang la...