White lady | True story

306 10 2
                                        

Chapter ten:


Own experience ko 'to.

1st encounter

Seniors night kasi yun, ilang araw palang ang nakakalipas. Dapat kasi ay hindi ako kasama, pero pinasundo ako ng kaibigan ko. Mga 9:20 pm na nun, pagdating ko sa venue, mainit ang pag welcome sakin.

Nakasama ko dun yung anak anakan kong itatago ko nalang sa pangalang Jay. Mga 1 A.M na nun. Nasa swing kasi kami, nagke-kwentuhan kami, nagtatanungan tapos nag she-share ng kung ano ano, hanggang sa napatigil ako sa pag ke-kwento, sabi n'ya kasi may nakita daw s'yang babaeng nakaputi na nasa likod ko.

Para sakin. Hindi na bago yun, pero medyo kinabahan ako, napaisip ako na nangyayare nanaman yung nangyayare sakin dati.

2nd encounter

Bandang 3 A.M na nun, nasa bahay kami ng kaibigan kong itago nalang natin sa pangalan na Gerald. Nagke-kwentuhan kami ng nakakatakot. Lahat kami nagsisitaasan na yung balahibo, may ibang nakatulog na kasi alas tres na, pero karamihan gising na gising parin.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkekwento, biglang may itinuro si Adrian, kapatid ni Jay, hindi rin n'ya totoong pangalan.

Itinuro n'ya yung likod ko. Yung nasa likuran ko kasi window, tas ang matatanaw mo dun eh yung abandonadong bahay. Itinuro n'ya tapos sabi n'ya may babae, so syempre ako napatingin. Pagtingin ko may nakita akong parang puting bagay na mabilis na tumakbo.

Di ako sure kung ano yun pero pag tingin ko bigla akong umupo sa baba ng couch. Tumaas yung balahibo ko, hanggang ngayon kasi sinusundan parin ako.

3rd encounter

Hindi parin nawawala yung kaba sakin, kasi ako na mismo yung nakakita sa bagay na yun. Inaya ako ni Adrian na lumabas at gumala gala, sumama yung kaibigan namin na si Raffy, hindi totoong pangalan.

Nagpunta kami sa playground, sa likod ng playground andun yung abandonadong bahay. Katabi lang kasi ng playground yung bahay ni Gerald. Habang nasa swing ako, kinuwento ko yung mga naexperience ko na nakakatakot. Medyo natawa nga ako sa reaction nila kasi takot na takot sila. Well di ko rin naman maiwasan na taasan ng balahibo habang nag kekwento.

Umupo kami sa upuan sa playground, pero di ko maiwasang mapatingin sa bintana ng bahay na abandonado. Napatitig ako sa pang apat na bintana, may nakita akong puti. Itinuro ko yun pero sabi ni Raffy baka kurtina lang.

Hindi ako satisfied sa sagot n'ya so tinitigan ko lang yun. Bigla akong kinabahan nung nakita kong gumalaw yung puting bagay na yun, sinundan ko ng tingin at nakita ko yung puting bagay na yun sa pang limang bintana. Nung sinabi ko yun sa kanila tumakbo sila at sumunod ako. Hanggang sa pagupo ko kinikilabutan pa rin ako.

4th encounter

Sobrang matatakutin akong tao, yet I like adventures. Ewan ko rin, natatakot akong makakita ng multo pero gustong gusto kong mag hanap. So habang nakatambay kami sa tapat ng bahay nila Gerald, lumakad ako papuntang backyard. Yung window kanina, nakatapat din yun sa backyard nila Gerald.

Pagtingin ko dun sa backyard wala naman akong nakita, pero nung sumilip ako sa gilid, napatingin ako sa bintana ng abandonadong bahay. May nakita akong babae na nakaputi, kinilabutan ako, nagulat nalang ako kinuha ako ni Raffy sa tapat ng backyard.

Sabi n'ya wag daw ako dun, kasi baka daw may makita ako. Alam n'yang may third eye ako at base sa nangyare kanina kay Adrian, alam nyang may makikita ako. Medyo teary eyed narin ako kasi natakot ako. Pero nawala rin yun nung nakausap ko sila. As much a possible inilalayo nila yung topic dun sa mga multo para maaliw ako.

5th encounter

Huli na to, mga 5 A.M na yun. Inaantok na rin kami so pumasok na kami sa loob. Tulog na rin yung iba naming kasama so umakyat narin ako sa kwarto.

Naka idlip na ako ng maramdaman kong may parang may pumupunta sa kama. Parang may umuupo sa gilid ko, ramdam ko yung pag lubog ng kama.

Ako naman, matatakutin, naluluha na ako habang nakahiga. Nagdadasal ako tapos naiiyak narin at the same time. Magisa lang ako sa kwarto so talagang wala akong makakapitan.

Umiyak nalang ako hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, nakausap ko si Adrian, tinanong n'ya kung narinig ko daw ba s'ya sa kwarto, sabi ko hindi. Tapos nakwento n'ya sakin na di daw sya makatulog so pumunta s'ya sa kwarto ko para silipin kung tulog na ako, para daw may makakwentuhan s'ya.

Kaso tulog na daw ako. Then napansin nya na nakalubog yung kama dun sa left side ko, na parang may nakahiga. So nagdasal daw sya sa kwarto ko. Akala nya daw narinig ko. So kinuwento ko rin sa kanya yung naramdaman ko. And sabi n'ya baka daw sinundan ako ng spirito na nakita ko.

-----

AUTHOR'S NOTE

Totoo po 'to. Sabi rin ng nanay ng tita ko na mahilig sumunod saakin yung mga spirito or kaluluwa. To be honest, di ko rin alam kung bakit ganun.

Kahit matagal ng nangyayari sakin 'to, 'di parin ako nasasanay, natatakot parin ako. Hindi ko parin alam kung bakit ako sinusundan. Kapag minamalas naman ako, nakikita ko rin sila. Isa sa mga bagay na ayaw na ayaw kong nangyayari. Kasi kapag nakakakita ako, naiiyak ako. As in iyak, sobrang matatakutin kasi ako.

Next chapter, ike-kwento ko yung isa sa pinaka nakakatakot na nakwento samin ng kasama namin nung juniors night.

Mwa :*

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon