Chapter fourteen:
"Ang bilis mo naman, kakakita ko palang sayo kanina sa auditorium ah?" Sabi ng kaklase ko nung nakita n'ya ako sa loob ng classroom.
Naguluhan naman ako dahil hindi pa ako pumupunta sa auditorium nung araw na yun.
"Nag hi ako sa'yo tapos ngumiti ka pa nga saakin eh." Imposible naman na ako yun kasi sa canteen palang naman ako pumupunta kasama yung dalawa ko pang kaklase.
"Baka doppelgänger mo yun?" Sabi ng mga kaklase ko. Sa school kasi namin, usong uso yung mga ganyang bagay, doppelgänger, spirito, sapi at kung ano ano pa. Marami na rin akong naririnig na nangyayare sa school namin.
Hindi ko nalang inintindi yung sinabi ng kaklase ko dahil baka nagbibiro lang ito. Lumipas yung ilang oras, nakalimutan ko na yung about sa nakita ng kaklase ko. Hanggang sa dumating yung oras ng economy namin. Sa kalagitnaan ng klase ay hinika ako. Hinika ako to the point na sinusuntok ko na yung dibdib ko dahil sa hindi ako makahinga, nagpapanic na rin ako kasi nagpuputol putol na yung hininga ko.
Ilang minuto yung nakalipas, bumalik yung kaklase ko kasama yung guidance counselor namin at yung nurse, binuhat nila ako at nilagay sa stretcher. Nakapikit ako nung mga oras na yun pero ramdam ko na tumatakbo sila. One thing's for sure, sa clinic ako dadalhin.
Hindi ko maidilat yung mata ko kasi naghahabol ako ng hininga pero rinig na rinig ko yung mga sinasabi nila sa paligid ko.
"Bawal po kayo dito." Sabi nung isang babae na sa tingin ko ay yung nurse.
"Hindi mo ba nakikita, may nakasunod na bata sa inyo kanina." Sabi nung isa pang babae na sa tingin ko ay yung pinapalabas nung nurse. Bata? Nakasunod? Sino?
"Wala pong bata dito nay, labas na po muna kayo para maka kuha ng hangin yung pasyente." Sabi nung nurse.
"Hindi n'yo ba napapansin? Sinasakal na s'ya!" Medyo malakas at may pangambang sabi nung isang babae.
Maya maya pa ay ramdam kong hinawakan n'ya yung noo ko at nagsimulang mag dalas.
"Diyos namin, paalisin n'yo po ang batang may masamang balak sa babaeng ito. Maawa po kayo diy.." Mas kumikirot yung dibdib ko at mas nahihirapan akong huminga sa punto na yun kaya napapasigaw na rin ako.
"Sa ngalan ng ama, ng anak at ng spirito santo, amen." Maya maya pa ay parang may mabigat na bagay na nawala sa dibdib ko, mas umayos ang paghinga ko at guminhawa yung pakiramdam ko. Maya maya ay unti unti akong nakaramdam ng pagod at tuluyan ng dumilim..
"Okay ka na neng?" Tanong nung nurse saakin. Nakatulog na pala ako sa clinic namin. Sabi n'ya ay nakatulog daw ako dahil sa pagod kanina dahil sa kawalan ng hininga. Sinabihan n'ya rin ako na mag ingat dahil may hika ako. Nung lumabas na ako sa clinic at naglakas papunta sa klase ko, may isang nanay na lumapit sakin.
"Ineng, ingat ka ha? Lapitin ka pa naman ng mga spirito." S'ya yung babae kanina na nagdasal sa loob ng clinic. Hindi ko muna kinuwento sa mga kaklase ko yung nangyare. Pero kinabukasan ay naalala ng kaklase ko yung Dopplegänger ko at sabi n'ya baka daw yun ang dahilan ng hika ko. Dahil dun ay ikinuwento ko na rin sa kanya yung nangyare sa clinic.
---
BINABASA MO ANG
Nginig
TerrorCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.