Earphones

353 14 2
                                    

Chapter seven:

Ako si Jenica, 17 years old. First year college na ako at dito ako nagaaral sa Hope University. Nasa abroad ang parents ko kaya nag decide ako na mag do-dorm nalang ako para masanay ko rin ang sarili kong maging independent.

Andito ako ngayon sa dorm ko. Ang sabi nila may nagpaparamdam daw dito, ang unang nakatira daw kasi dito ay nagpakamatay. Tapos ang mga gumagamit ng dorm nito eh hindi na nakakapag tapos ng semester nila, sa di alam na dahilan eh naglalaho daw sila ng biglaan.

Ako naman, as an adventurer, mahilig ako sa paranormal activities, kaya nuong sinabi sakin yon ng ka-blockmate ko imbis na matakot eh excitement ang naramdaman ko.

Pagkapasok ko sa dorm agad akong nagpahinga, nakakapagod kayang maglipat ng mga gamit.

Naalimpungatan ako bandang 3:20 am. Sinubukan kong matulog ulit pero parang gising na gising ang diwa ko, kaya para magpalipas ng oras nag computer ako.

After opening my facebook, twitter and tumblr I've decided to read stories sa wattpad. Nakasanayan ko ng mag music while reading stories, para damang dama.

Naghanap ako ng earphone sa drawer then thankfully I found one. Tsaka ko lang naalala, lumipat na nga pala ako sa dorm ko. Baka naiwan lang to ng dating nakatira dito.

Sinalpak ko na yung earphones sa tenga ko.

"BWAHAHAHAHA" nagulat ako sa narinig ko. May tumatawa na parang demonyo. Inalis ko agad ang earphone ko at nawala ito. Baka guni guni ko lang yun. Kaya sinuot ko ulit ang earphones.

"Tulong! Tulungan mo ako!" Eto ang narinig ko pagsalpak ko ng earphones. Agad agad ko itong inalis kasi baka may tao sa dorm ko. Nuong nasigurado kong wala eh sinuot ko ulit ito.

"Susunod ka na.." Sa mga narinig kong to nagsimula akong manginig sa takot. Nuong aalisin ko na sana sa pagka saksak ang earphone ko, dun ko lang narealise na di pa pala ito nakasaksak.

Nagblack na ang screen ng computer ko kasi di ko ito ginagalaw. Dun ko napansin na may babaeng nakatayo sa likod ko. Nakangisi saakin at bumulong ng.

"Susunod ka na."

-----

AUTHOR'S NOTE.

Magparamdam naman kayo readers, wag kayong ghost readers pls. :3 naloloka na meh.

VOTE, COMMENT and VOICE OUT your opinions, maraming thank you!

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon