Chapter five:
Ako si Hannah, third year highschool. Bago lang ako dito sa Mayridge High School. Ako yung tipo ng babae na mahilig sa adventure, horror, and yung mga bagay na kakaiba. Nuong nalaman kong may nagmumulto dito sa MHS pinilit ko yung parents ko na ilipat ako dito.
Lunch break na. Unlike those other girls, di ako yung tipong every break time or free time sa cr agad ang punta. Nagpapahanda, nag me-make up, nag chichismisan. So anong tingin nila sa CR? Tambayan?
Papunta na ako sa Caf nuong nakaramdam ako ng pagsakit ng puson kaya nag change ako ng route at dumeretcho sa cr. Ano bang araw ngayon?
Chineck ko yung phone ko.. September 4. Baka ngayon ako magkakaron, lagi kasing first week of the month ako dinadatnan, buti nalang may baon akong napkin with wings. Girlscout, laging handa!
Pag pasok ko sa cr walang tao, buti naman. I hate crowds. Bumungad saakin ang malamig na simoy ng hangin, well as usual, out of order ang first two cubicles kaya sa LAST CUBICLE ako nagtungo.
Nag lock ako then umupo na sa bowl. Ano ba yan, ang lamig nakakaasar. Parang may lamig na tumatama sa batok ko. Di ko nalang ito ininda dahil ang importante naman ay yung maicheck ko kung meron ba ako.
Tinaas ko ang skirt ko at binaba yung panty ko, duh. Yun, meron. Agad agad kong kinuha sa clutch ko yung napkin with wings blah blah. After 3 minutes natapos na ako. Lumabas ako para magsalamin ng konte, konte lang.
Then yun na regular day na, pumunta ako sa caf and then bumili ng food then deretcho classroom, nakinig sa lectures, nag nap, naghintay ng uwian.
For the next few days ganun lang ang ginagawa ko.
September 9. Last day na siguro, 5th day na eh. Pumunta na ako sa CR, as usual, walang tao. Ewan ko ba kung bakit sa school na 'to konti lang ang mga babaeng nag papaganda at tumatambay sa cr.
Nasanay narin ako sa lamig ng cr na 'to. Ang tagal tagal na our of order parin yung dalawang cubicles? Nagkukulang ba sa pera yung mayari ng school na 'to at di maipagawa yung cubicles nila? Hay.
Pag pasok ko umupo na ako sa bowl at ginawa yung gagawin ko. Eto nanaman, yung malamig na hangin na dumadampi sa batok ko. Weird, pero sanay na ako. Alam mo yung feeling na parang may paa na tumatama sa batok mo? Weird right?
Nuong palabas na ako may pumasok naman na. Janitor, nasa may 50+ na sya. Di na ako nag dalawang isip pa at itinanong ko na kung bakit laging out of order yung dalawang cubicles
"Ah, ayos na yan Iha, pero di parin pinapabuksan kasi baka daw babuyin ulit nung mga babae." Sabi naman neto sakin. Nakuntento na ako sa sagot ng Janitor kaya lumakad na ako palabas.
"Ay La, may tanong pa pala ako." Naalala ko yung last cubicle, para mawala na yung curiosity ko eh itatanong ko narin.
"Ano yon iha?" Napatigil sya sa pag ma-mop at tumingin saakin. It made me shutter a little.
"Bakit po sa tuwing pumapasok ako eh ang lamig? Tapos po sa last cubicle naman pag umuupo ako eh may malamig na hangin ang tumatama sa batok ko?" Tanong ko sa kanya. Napatawa naman sya. Ano namang nakakatawa?
"Haha, yun ba iha? Wala yun. Baka paa ko lang yun nung nagbigti ako sa cubicle na yan." Kampante nyang sagot. Para akong napako sa kinatatayuan ko di ako makagalaw.. Takot na takot ako. Paulit ulit yun sa utak ko..
"Baka paa ko lang yun nung nagbigti ako sa cubicle na yan."
BINABASA MO ANG
Nginig
HorrorCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.