Chapted fifteen:
Pag akyat namin ng room ni Princess takang taka sila dahil hingal na hingal kami. Maya maya ay may sumigaw sa bandang likuran ng classroom. Si Eya.
"Anong nangyari?" Tanong ng president namin.
"Yu-yung screen ng bintana.. Gumalaw" May halong takot n'yang sambit saamin, nung una I didn't find it strange kasi inisip ko na baka nagalaw n'ya lang, and then I realized one thing, nasa labas yung screen ng window and nakasara yung window kaya imposibleng ma-move n'ya yun at hindi yun ganun ka gaan para matangay ng hangin papunta sa kabilang side ng window.
Lumapit kami sa window at may napansin ako.
"May hand print oh." Sabi ni Jen, hindi lang pala ako yung nakapansin. May mga handprints sa window, parang kamay ng bata kasi maiksi at maliit yung prints. Tinry linisin ni Jen pero sa labas galing yung handprints.
It's not the handprints that scared me, It's the fact that nasa 2nd floor kami. Nagsitakbuhan kami sa harapan ng room at dun kami nag sama sama, nakakabawas ng kaba kapag ganun. After ilang minutes, kumalma na yung mga kaklase ko. Naalala ata ni Jen yung nangyare kanina samin ni Princess nung bigla kaming tumakbo papunta sa room, kaya kinwento namin yung nangyari sa dati naming classroom.
Naikwento din namin yun sa adviser namin, pati pala s'ya nakaka experience ng ganun. Ang sabi n'ya, may ibang estudyante din na nakakakita ng bata sa library na laging nakadungaw sa window. Ewan ko kung totoo pero nakakatakot pa ring isipin na may possibility na totoo yun at baka maranasan namin.
BINABASA MO ANG
Nginig
HorrorCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.