Tagu-taguan.

331 8 4
                                    


Chapter nine:


Biyernes ng madaling araw ng mapagdesisyonan namin ni Kyle na mag skype, si Kyle ay yung bestfriend ko na nasa Canada na ngayon. Alas tres ng mapagdesisyonan naming magsimulang magskype.

Habang lumalalim ang madaling araw ay patuloy ang paguusap namin, sabado bukas kaya walang problema kung magpuyat kaming dalawa.

"Dre, kamusta ka na jan? Long time no chat ah!" Yan ang sabi ni Kyle

"Ayos lang naman dre, grabe 'no, tatlong taon na simula nung umalis ka papuntang Canada, pero hanggang ngayon close parin tayo!" Yan naman ang sabi ko sa kanya.

Halos isang oras pang nagtagal ang aming usapan ng tumunog yung phone ko, nagpaalam ako para sagutin yung tawag at nagpaalam saglit kay Kyle, lumabas ako ng kwarto at sinagot yung tawag.

Si mommy, yung tumawag saakin, kinakamusta ako, kung ayos lang daw ba ang lahat, sabi ko naman ay okay lang. Nang masigurado nya na ayos lang ako ay ibinaba na niya ang tawag. Nasa Saudi si Mommy at si Daddy, OFW sila duon at every two years ang uwi nila dito.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya dumeretcho muna ako sa kusina para uminom, nakaramdam narin ako ng antok kaya umakyat na ako sa aking kwarto para magpaalam kay Kyle.

"Oy, Kyle, tulog na ako, inaantok na ako eh." Paalam ko sa kanya nung nakaupo ako sa swivel chair ko na nakaharap sa laptop.

"Ah ganon ba? Sige dre." Maiksi nyang tugon.

Nung ibababa ko na yung tawag ay nagsalita sya.

"Ay oo nga pala, nanjan sa kwarto mo yung dalawang bata, naglalaro ata ng taguan, yung isa andun pumasok sa closet mo, yung isa naman nandun sa ilalim ng kama mo. Paki sabi nalang kay Manang Bebang, baka kasi kanina nya pa hinahanap yung mga anak nya." Nagulantang ako sa sinabi ni Kyle pero inisip ko nalang na nagbibiro sya.

"Ano ka ba dre, hindi mo ako maloloko. Wala si Manang Bebang, namatay na sya last year, at di na ako kumuha ng katulong, kaya ko naman na yung sarili ko. Haha! Next time mo nalang ako takutin! Matutulog na ako. Sige na, bye." Inend ko na yung call pero bago ko isara yung laptop ay nag type na sya.

Kyle: di ako nagbibiro dre, kahit i check mo pa yung closet at kama mo..

Natawa nalang ako at isinara ko na ang laptop ko at humiga na sa kama ko. Maya maya ay nakatulog na rin ako. Ngunit di nag tagal ay naalimpungatan ako dahil may kumakalabit sakin. Napatingin ako sa gilid ng kama ko at may nakita akong batang babae. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil sa antok o totoo ito, ngunit na kumpirma ko ang nakita ko nung nagsalita ito..

"Kuya, laro tayo! Tagu-taguan. Hihi!"

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon