Chapter two:
Naranasan nyo na bang managinip ng gising? Yung tipong alam nyong gising ka pero nananaginip ka. Weird no? Ako kasi, naranasan ko na yun. Eto ang kwento ko..
Thursday, 3:26 A.M
Hindi parin ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa kisame.. Biglang may itim na usok na nang galing sa labas ang pumorma sa harapan ko, hanggang sa may mga bungo na nagsisilabasan dito. Hinihila nila ako, sobrang lakas ng pagkahila nila saakin, alam kong hindi ako nananaginip kasi nasasaktan ako sa paghila nila. Humawak ako ng mabuti sa kama ko pero hinihila parin nila ako. Napakalakas nila, at dahil duon ay nakuha nila ako. Kinaladkad nila ako papunta sa pintuan, medyo malayo pa pero bigla itong nagbukas. May isang bungo na naka itim na mahabang hoodie ang nakatayo dun. Nakakatakot, pumikit nalang ako at hinanda ko na ang sarili ko.
Pagkadilat ko ng mata ko ay nakatayo na ako sa pintuan namin, pilit narin akong ginigising ng mas nakakabata kong kapatid. Ang sabi nya saakin ay nagising nalang sya nung narinig nyang nagsasalita ako. Nung tinanong ko kung ano yung sinasabi ko eto ang sabi nya. " kuya nag ba-bye ka saamin.. Sabi mo handa ka na." Nakikita ko ang namumuong luha sa mga mata nya. Niyakap ko sya at bumulong sa kanya. "Hindi ko kayo iiwan." Mas tumindi ang yakap nya sakin at bumulong. "Kapag hinila ka ulit nila, wag ka ng sasama ha?" Nagulat ako sa sinabi nya at pag tingin ko sa kanya kalansay nalang ang nakita ko.
Nagising nanaman ako. For the second time. This time, nakatayo na ako sa taas ng hagdanan namin.
BINABASA MO ANG
Nginig
TerrorCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.