Chapter eight:
Gabing gabi na nuong umuwi si Dennis sa kanilang tinutuluyang bahay ng kanyang asawang si Ruby. Galing siya sa trabaho at pinag overtime siya ng kaniyang amo. Mag a-alas onse na ng gabi ng marating niya ang kanilang bahay.
Pagka pasok na pagka pasok niya ay napansin niya ang kakaibang aura. Para bang may mali. Isinara niya ang kanilang pintuan at isinabit ang kanyang jacket. Inilapag niya ang kanya briefcase sa lamesa at tinungo niya ang kwarto nilang mag asawa.
Doon ay nakita niya si Ruby na nakahiga at tila tulog na, lumapit siya at akmang hahalikan sa noo ang asawa nuong mapansin niyang may mali. Akmang gigising niya ito ngunit ng hawakan niya ang kanyang kamay ay napaka lamig neto. Kinuha niya ang kamay ng kaniyang asawa na nakapatong sa tiyan nito at pinulsuhan niya ito, wala na itong buhay.
Inilapag niya ang kamay ni Ruby sa tiyan nito at lumabas para tumawag ng pulis. Pagka baba nito ng telepono ay bumalik siya sa kwarto at lumpit sa katawan ng kaniyang asawa. Sa ikalawang pagkakataon ay kinuha niya ang kamay ng asawa niya na nakapatong sa dibdib niya at hinalikan ito. Sabay sabay na pagtulo ng luha ang kumaripas sa kanyang mga mata. Lubha siyang nalulungkot sa pagkamatay ng asawa niya.
Hindi nagtagal ay ang lungkot na nararamdaman niya ay napalitan ng takot..
Sa tingin ninyo, bakit imbis na malungkot ay natakot pa si Dennis?
BINABASA MO ANG
Nginig
HorreurCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.