Salamin | True story

222 7 0
                                    

Chapter twelve:

If you're someone close to me, you'll probably know na takot ako sa salamin. Hindi ko alam kung phobia to or what. I fear mirrors when I'm alone. When It's dark and kapag gabi or madaling araw. Here's the reason why..

-----

It was nearly the end of 2013. May bestfriend ako, itatago ko nalang s'ya sa name na Melody. Unexpected friendship yung namagitan saaming dalawa. Di ko inakalang magiging super close kami.

Super close kami to the point na halos araw araw magkasama kami. After mag overnight samin mag oovernight ako sa kanila tas mag oovernight nanaman sya samin. Siguro pinaka matagal naming salitan ng overnights eh tumagal ng one week. But one encounter stopped me from doing so.

One time, nag overnight ako sa kanila, Wednesday yun. So kinabukasan wala kaming pasok kasi sa Saudi dati, ang weekend namin at Thursday and Friday. It was around 2-2:15 am, nanonood kami ng movie, ganun naman kami eh. Di nagsasawa sa movies, kwentuhan, kantahan at kung ano ano pa.

Naramdaman kong naiihi na ako so lumabas ako. Nakapatay na yung ilaw sa hallway papunta sa cr kasi tulog na yung parents nya. Bilang may third eye ako, syempre takot ako. Pero ayaw ko namang buksan yun ilaw kasi naiihi na ako so naglakad nalang ako ng nakayuko. Kasi sa hallway, may mahabang salamin dun na kita yung ulo hanggang sa balikat mo.

Habang naglalakad ako papunta sa cr wala naman akong nakita or naramdaman. So nung nakaihi na ako, nawala na yung takot ko, lumabas na ako sa cr and naglakad pabalik sa kwarto. Nawala na sa utak ko lahat ng takot. Dere deretcho na ako pero di nag tagal bumalik sakin yung takot na yun.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumigil yung reflection ko sa salamin. I'm halfway through the mirror pero yung reflection ko naka stop sa umpisa ng salamin. Akala ko guni guni lang kaya tumigil ako. Nakiramdam ako hanggang sa nakita kong gumalaw yung reflection ko kahit nakatigil ako. Kasi naka sideview ako, I saw my reflection move, parang medyo humarap. So di na ako nag dalawang isip, tumakbo na ako sa kwarto ni Melody and kinwento ko sa kanya yung nangyare, sabi n'ya baka daw pinaglaruan lang ako ng mga spirito kasi bukas third eye ko.

---
a u t h o r ' s n o t e

This wasn't the only experience I had with mirrors. Eto lang yung pinaka una. :)

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon