Elevator

150 4 3
                                    

Chapter seventeen:

Ako si Anne. Dahil tapos na ang school year, nag decide kaming mag travel ng mga tropa kong sina Ruby, Gemma, Francis, Niña at Andrew at Gab. Nag decide kami na sa rest house nina Francis mag stay for 2 weeks.

Habang nasa daan kami, bumuhos ang napaka lakas na ulan dahilan para tumigil muna kami sa isang hotel na malapit due to safety reasons na rin dahil paniguradong magiging madulas ang daan sa sobrang lakas ng ulan.

Kumuha kami ng dalawang rooms, isang pang lalake at isang pambabae dahil conservative na tao si Niña at ayaw naiilang s'yang matulog ng may kasamang lalake sa kwarto, hindi naman namin s'ya masisisi dahil mapaglaro nga naman ang mga kaibigan naming lalake.

Mga alas dose na ng madaling araw nuong kumatok yung mga lalake sa kwarto namin, tamang tama naman dahil balak sana naming ayain yung mga lalake para mag movie marathon dahil malapit naman na yung rest house nila Francis sa hotel na pinag s'stayan namin kaya okay lang kung tanghaliin kami ng gising.

"Anong papanoorin natin?" Tanong ni Gab

"Horror!" Sabay na sabi namin nila Francis at Ruby.

"Naiwan ko yung laptop sa room namin kukunin ko lang." Paalam ni Gab, naalala ko naman na may naiwan pala akong plastic sa lobby kaya nag prisinta ako na sumama para samahan n'ya akong kunin yung gamit ko sa lobby. Naunang lumabas si Gab maya maya ay sumunod na rin ako. Nakita ko s'ya sa tapat ng elevator kaya pumunta agad ako sa kanya

"Bakit di mo pa pinipindot?" Tanong ko nung mapansin kong wala pang ilaw yung buttons, di naman s'ya umimik kaya ako nalang yung pumindot. Wala pang limang segundo ay nag bukas na yung elevator at pumasok na kami.

"Paano kaya kung akala mo kasama mo ako tapos yun pala isang spirito lang ako na ginagaya yung kaibigan mo at ang totoo ay wala ka talagang kasama dito?" Out of the blue na tanong ni Gab

"HUY WAG KA NGANG MANAKOT!" Natatakot kong sabi sa kanya at natawa naman s'ya

Pag dating sa lobby ay agad na akong nagmadali papunta sa costumer service para itanong kung nasaan yung plastic na naiwan ko, iniabot saakin yun tapos nung tumalikod ako ay wala sa likod ko si Gab. Hula ko ay nauna na s'ya sa taas kaya nag elevator na rin ako pa akyat

Pag pasok na pagpasok ko sa room namin at tapos na nilang nai assemble yung movie. May popcorn at inumin na rin na nakahain, si Gab naman ay nasa tapat ng laptop n'ya

"Bakit ang bilis n'yo namang i assemble yung panonoorin natin? Eh kaaakyat palang ni Gab ah?" Nagtataka kong tanong dahil ka aakyat pa lang naman talaga ni Gab.

"Ikaw nga dapat ang tinatanong namin eh, kanina pa si Gab dito, bakit ang tagal mo?" Sabi naman ni Ruby na nakagulo sa akin.

"Anong kanina pa si Gab eh kasama ko lang s'yang bumaba sa lobby kanina?" Sabi ko naman. Bakas sa muka nila ang kaba sa sinabi ko.

"Hindi na kita nasamahan sa lobby kanina Anne. Pag labas ko ng room n'yo ay tumakbo na agad ako sa room namin para sana pag labas mo ay masamahan na agad kita sa lobby. Pero nung lumabas ako ay wala ka na at nakita kong naka arrow down na yung elevator, kaya naisip ko na baka ikaw nalang mag isa ang pumunta kaya dumeretcho na ako sa kwarto para ayusin yung papanoorin natin." Mahabang explanation ni Gab. Nung una ay akala kong ginu-goodtime lang nila ako dahil nga natakot ako sa sinabi ni Gab-- o kung sino man yung kasama ko kanina. Pero nuong mapansin kong seryoso na sila ay napaiyak ako dahil sa takot.

Pinakalma nila ako at naikwento ko sa kanila yung nangyare sa elevator. Hindi na namin itinuloy yung move marathon dahil masyado ng late at baka mas lalo daw akong matakot.

Matapos ng incident na ito ay na trauma na ako at natatakot na akong sumakay sa elevator lalo na pag mag isa lang ako. Kaya kadalasan ay nag hahagdan ako paakyat at pababa o di kaya ay nagpapasama na ako sa mga kaibigan ko at mine-make sure kong totoo na sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon