Chapter three:
"Sa slide tayo!" Sabi ko sa tatlong kasama ko. Isang lalake at dalawang babae. "Sige kayo nalang muna, dito na muna ako. Enjoy!" Sagot naman nung isang babae. Pumunta na kaming tatlo sa slide sa labas ng room samantalang naiwan yung isang babae.
Umupo muna kaming tatlo sa gilid ng slide habang naghihintay. Ang dami kasing bata na nag s-slide. Bilang mas nakakatanda sa kanila naghintay nalang kami. Yung slide na yun, yun yung mga parang nasa mcdo, yung pabilog na circle. Teka ano? Pabilog na circle? Basta yun! Alam nyo na yun!
Habang naghihintay may mga bata na umaakyat galing sa baba, yung para bang aakyatin nila yung slide. Tumayo ako at sa gulat ko may dugo akong nakita, ako naman bilang takot sa dugo eh napasigaw. Napaupo ako at pinakalma ako ng mga kasama ko. After kong kumalma nagtawag sila ng janitor para linisin yun.
After malinis ng dugo eh ako yung huling mag s-slide. Nung turn ko na may narinig ako na paakyat kaya naghintay na muna ako. Baka may bata na paakyat, baka matamaan ko pa.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko ng makita ko yung umaakyat, isang batang babae, duguan! Sinakal nya ako, kitang kita sa kanya ang galit saakin.
*cough* "panaginip lang pala." Nagising ako ng paubo ubo, hindi parin ako nagpapalit ng posisyon, nanatili akong nakahiga at nagiisip sa kung ano ang panaginip na yun. Gamit yung kanan kong kamay, pinunasan ko yung butil butil kong pawis sa noo ng mapatigil ako at na realise ko kung san galing ito, sa leeg ko. Nakahawak parin yung kaliwa kong kamay sa leeg ko na para bang sinasakal ko yung sarili ko.
Naikwento ko yun kay mommy, ang sabi nya baka daw napagod lang ako. Pero hanggang ngayon, pala isipan parin sakin yung bata. Kilala ko ba sya?
May nakapag sabi din saakin na yung mga unfamiliar faces na makikita natin sa panaginip natin, yun yung mga multong nakatingin saatin habang tayo ay natutulog.
-----
AUTHOR'S NOTE
Di ko maalala yung mga kasama ko, ang naaalala ko lang is yung kung anong gender nila. Sabi nila kapag daw nananaginip ka, makakalimutan mo din ito, pero hindi. Hindi mo basta makakalimutan ang panaginip mo lalo na kapag nakakatakot ito. :)
Pero hanggang ngayon palaisipan parin saakin yung panaginip ko. Sabi nila may meaning daw ang mga panaginip, anong meaning nung akin? Sa mga nakakaalam. Paki explain!
Don't forget to VOTE, COMMENT and VOICE OUT your opinions. :)
BINABASA MO ANG
Nginig
HorrorCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.