Chapter four:
Kung nasa pinas ako, hindi na ako matatakot sa tuwing nag ba-brownout, kaso nasa Saudi ako, malimit lang mag brownout dito, first time ko ngang makaranas eh.
3:04 am. Nasa Kwarto ako ni Tita Carol, ka flat namin. Nagpaalam sya sakin na maliligo daw muna sya kasi naiinitan sya, ako naman nag a-ipad. Nakikipag kulitan sa mga facebook chubaekek, sa mga groups. Nakikipag chat din ako. Si mommy nasa Sala, nanonood. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag ta-type biglang nag brownout.
Napatingin ako sa gilid ng kwarto ni tita, wala ka talagang makikita kahit isa, inilibot ko yung tingin ko hanggang sa napako yung tingin ko sa right side ng kwarto ni tita, habang tinititigan ko yun ay napako ako sa pagkakahiga ko.. Yung bata.. Yung batang babae sa panaginip ko! Nandon sya, nakatingin lang saakin..
Nilakasan ko na ang loob ko at nagtaklob ako, hinila ko yung kumot kaso ayaw mahugot, nangangatog na ako kaya nagtakip ako gamit kamay ko. Nakadapa lang ako, buti may ilaw pa galing sa ipad..
"Mommy! Mommy!!" Sigaw ako ng sigaw.
"Ano ba?!" Galit nyang sagot. Aba -.-
"Mommy!!!" Tawag ko ulit pero hindi parin sya pumupunta.. Si tita Carol nasa cr parin.. Suko na ako, mag tatakip nalang ako.. Maya maya pa nagbukas na yung mga ilaw.
Sa wakas. Napansin ko rin yung basa kong arms, kanina pa pala ako umiiyak. Napatingin ako sa oras sa ipad 3:32 AM. Halos 30 minutes akong nakaganun. Gumaan pakiramdam ko at nag type na ulit ako. "Lahat ng may buhay, nama--" hindi pa natatapos yung icocomment ko nag brownout nanaman! Huhu
Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at napatingin ako sa dereksyon ng bata kanina.. Andun nanaman sya! Pero duguan na, jusko po.. Galit na galit syang nakatingin. Agad agad akonong nagtaklob tulad ng dati.
Mas lalo akong umiyak.. Napansin ko na sa bawat pag singhot ko eh may naglalakad, kaya as much as possible hindi ako sumisinghot..
May malamig na hangin na dumadampi sa leeg ko, dahilan para mangilabot at magsitayuan ang balahibo ko.. Hindi ko ito ininda, sa isip isip ko eh hinihiling ko ng matapos si tita para bumalik na sya..
After ilang minutes nakaganon parin ako, hindi gumagalaw, umiiyak lang ng umiiyak. Yung ilaw sa ipad ko namatay na, dahilan ng mas lalong pagkadilim. Nanghihina ako, hindi ko na kaya! Huhuhu
May yabag nanaman akong naririnig, bakit ganon? Tama na please! Ang init pero nilalamig ako sa hangin na dumadampi saakin, pinapawisan ako ng malamig at umiiyak padin.. After ilang minutes bumalik na si tita!
Maya maya ay nagbukas narin yung ilaw. 3:58 AM na nun, napasulyap kasi ako sa malaking clock sa tapat ng kamang pinaghihigaan ko.
Sa wakas huhu! Tinanong nya kung bakit ako umiiyak. Naikwento ko sa kanya yung nakita ko, alam nya narin yung bangungot ko naikwento ko na sa kanya.
Hiningi nya yung kamay ko, pantayin ko daw. Nung pinagpantay ko yung lines dun sa parang line na naghahati sa arm mo and hand mo, hindi pantay yung pinky ko..
Sinabi nya sakin na kapitin daw ako sa mga spirito at may kakayahan akong makakita, makarinig, o makaramdam. Tinanong nya ako kung ngayon lang daw ba ako nakakita, sabi ko hindi, simula pa ng grade 5 ako, pero hindi madalas kaya hindi ako sanay. Sabi naman nya, nasa Saudi daw kami, minsan daw ang mga bahay talaga dito eh may spirito.
Pinakalma nya ako, binigyan nya ng tubig at kinuwento nya kay mommy, nag sorry si mommy kasi di daw nya ako pinuntahan. Che busy sya sa panonood sa phone nya. Huhu!
-----
AUTHOR'S NOTE
COMMENT, VOTE and VOICE OUT your opinions :*
BINABASA MO ANG
Nginig
HorrorCompilations of horror stories, either self-made, true story based on my friends, or my own experience.