Bintana | True story [part 1]

166 3 0
                                    

Chapter fifteen:

Bagong lipat lang kami sa classroom namin ngayon sa school. Pahaba yung classroom namin tapos sa likod may bintana, tinted yun and nasa second floor yung classroom namin.

Walang klase nung mga oras na yun kasi props making namin para sa play na gagawin namin. Isa ako sa mga leaders kaya hindi ako nawawalan ng gagawin. Nagpasama ako kay Princess, isa sa mga kaklase ko, para kunin yung mga naiwan na props sa dati naming classroom.

Library yung temporary classroom namin dati, may bintana din na makikita pag pasok mo sa room.

Bumaba kami ni Princess at pumasok kami sa classroom, dahil tinted yung mga bintana, nakikita namin yung repleksyon namin sa bintana. Sa kalagitnaan ng pagiipon ko ng props bigla nalang nagsalita si Princess.

"Paalisin mo nga yung mga bata, naglalaro eh baka masira yung props natin." Sabi n'ya sakin. Nagtaka naman ako kasi kami lang yung nandun sa loob ng classroom, nagsimula na akong kabahan pero naglakas loob pa rin akong mag tanong sa kanya.

"Sinong bata?" Tanong ko sa kanya. Muka naman s'yang nagtaka sa tanong ko tapos tinuro n'ya yung bintana.

"Yang mga bata sa--- kanina may mga bata akong nakikita sa reflection ng bintana eh, nagtatakbuhan pa nga eh.." Halata na rin sa kanya na natatakot s'ya. Saglit kaming nagkatinginan at napakaripas kami ng takbo sa classroom namin sa taas.

xxx

Part one to, hahatiin ko sa dalawang chaps tong chap na to. Wala lang pampahaba kuno 😂

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon