Our father | True story

188 4 0
                                    

Kwento eto ng kaklase ko na kinuwento daw sa kanila ng isang studyante dati sa school namin.

Chapter thirteen:

Gabi na nun nuong naghahanda sa pag tulog si Janise, 'di n'ya tunay na pangalan. Matapos n'yang mag ayos ay naghanda na s'yang magdasal. Pumikit ito ng maramdaman n'yang may parang nakatingin sa kanya.

Hindi n'yanito ininda at inisip n'yang wala lang ito.

Pero the more na nagtatagal yung pagpikit n'ya ay mas lalong nagsisitaasan yung balahibo n'ya. Hanggang sa napatingin s'ya sa salamin sa kwarto n'ya.

Wala naman s'yang nakitang mali. Andun yung reflection n'ya. Lahat naman normal at s'ya lang yung tao sa kwarto.

Pipikit na sana ulit s'ya para ituloy yung pagdadasal ng makita n'yang ngumiti ang repleksyon n'ya.

Sa sobrang takot ni Janise ay agad s'yang nagdasal ng Our father. Paulit ulit n'ya daw itong binabanggit at nung tinignan n'ya yung repleksyon n'ya ay mas natakot s'ya dahil parang ginagaya daw s'ya nito pero sa paraang pang aasar. Parang sinasabi daw nito yung 'our father' ng paulit ulit.

Ipinagpatuloy ni Janise yung pagdadasal hanggang sa matapos s'ya. Pag tapos n'yang mag dasal ay muli n'yang tinignan yung salamin. Bumalik na ito sa normal at walang kahit anong marka ng kababalaghan yung nandun.

--

Author's note.

I don't know kung totoo ito pero it's possible. Kahit kasi ako may mga karanasan sa mga salamin. Pero sobrang creepy ng kwento na 'to for me. Kahit nung sinusulat ko ito, parang kinikiliabutan ako.

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon