Babaeng naka itim | True story

154 4 0
                                    

Chapter sixteen:


November one nung naranasan ko 'to. 3:10 pm ang dismissal namin, 4 pm dumadating yung bus at 5 pm ako nakakarating sa bahay. Nakasanayan ko na yung pag dating sa bahay, bihis agad tapos internet na. Nakaupo lang ako ng narinig kong nagbukas yung pinto, tinignan ko yung orasan, 5:30 pm, for sure si papa lang yun.


Isinawalang bahala ko na yun at tama nga ako, si papa yun. Kumatok kasi s'ya tapos pumasok s'ya sa kwarto ko. Pero nagulat ako sa sinabi n'ya..


"Bakit pinatay mo yung kandila ng kuya mo?" Tanong n'ya. May nakatirik kasing kandila sa may sala namin para sa kuya kong patay na. Nagulat naman ako dahil pag pasok ko ay may sindi pa yun, nag flying kiss pa nga ako sa picture ng kapatid ko eh, hindi kaya namatay yun sa pag flying kiss ko? Imposible naman, di naman ganun kalakas yung pag ihip ko.


"Hindi ko pinatay yun pa." Sabi ko sa kanya, halata naman sa muka n'ya yung takot.


"Anong hindi? Naka abaya ka pa nga eh tapos hinipan mo yung kandila." Sabi n'ya na mas ikinataka ko, Bago ako pumasok ng bahay ay nagtatanggal na ako ng abaya, plus kung ako man yun, bat naka abaya pa rin ako? 30 minutes pa bago umuwi si papa, imposible namang for 30 minutes naka abaya pa ako.


Isa pa, ibig sabihin ngayon ngayon lang yun dahil nakita ni papa, kung ako yun, pag pasok ko pa lang sana pinatay ko na yung kandila.


Until now hindi ko pa rin alam kung ano yun. Kung bakit pinatay ng kung sino man yung kandila ng kuya ko.


xxx


Yung abaya is yung traditional clothing sa Saudi Arabia, yung kulay itim na parang dress na ipinapatong sa damit kasi bawal sa Saudi yung naka civilian lang. Incase you didn't know lang.

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon