Imbitasyon

647 14 3
                                    

Chapter one:

"WAG!" Napaupo ako bigla sa kama ko. Napatingin ako sa orasan sa side table ko, 3:06 A.M. Kapag nananaginip ako ng masama eh lagi akong napapatingin sa orasan sa side table ko, kadalasan ay nasa kalagitnaan ng alas tres hanggang alas kwatro ang oras ng gising ko.

Napanaginipan ko na pinapatay ng isang lalake ang mga magulang ko, dahil nasa iisang kwarto lang kami ay nakita ko ang pagpatay nila dito. Paano nakapasok ang lalake? Simple lang, ginaya nya ang boses ng aking ama. Habang pinapanood ko ang mga magulang ko na pinapatay ng lalake eh biglang napasulyap ang lalake sakin, habang sya ay unti unting lumalapit ay may sinabi sya.. "Salamat sa imbitasyon. Sunod ka na" napahalakhak sya at bigla nalang akong nagising. Butil butil na pawis ang tumutulo sa noo ko.

*tok**tok*

Nagbukas ang pinto. Kinabahan ako pero nawala agad yun nung nakita ko si mommy. May hawak syang tubig. "Anak ayos ka lang ba? Narinig kitang sumigaw, gusto mo ba ng tubig?" Hindi na ako nagalinlangan at pinapasok ko na sya "Sige po ma, tuloy kayo." Kita sa bibig nya ang isang makahulugang ngiti. Huli na para maalala ko na..

.. 3weeks na nga pala simula ng lumipat ako sa dorm ko.

-----

AUTHOR'S NOTE.

published na yung next chapter. Nabasa ko lang to somewhere. English kasi yung original version kaya trinanslate ko nalang base sa pagkakaintindi ko. :)

VOTE, COMMENT and VOICE OUT your opinion.

NginigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon