29: The Flowing Water

28 3 5
                                    

Harika stopped getting invites and endorsements the day she lost her sight, which was especially noticeable since her Lolo Dad was still by her side. The people who had always stood with her turned into vaporized air bubbles. She experienced a significant adjustment in her life that was both comprehensible and difficult for her to cope.

Noong nabubuhay pa ang congressman, walang naging galaw sa buhay niyang magarbo at pinag-uusapan. Katanyagan at iniingatang pangalan at pamilya ang bumabaybay sa kanila. Harika was not protesting about her upbringing; she could do and live a relatively normal life, but she was scared of any sudden, drastic change. People often claim that because life is unpredictable and what life she has now was not part of her plan, but maybe part of somebody else's.

Ang maingay na tunog ng kanyang telepono noon, ang notifications niya sa kanyang social media accounts, maging ang mga pagbati sa iba't ibang grupo at tagasuporta... ang lahat ay naglaho, parang mga paningin niyang dilim na lang ang nakikita. May mga bumibisita sa kanya minsan at nagpapaabot ng pakikiramay at kanyang paggaling, subalit hindi niya maikukubling ibang-iba na ang mga ito sa kung paano siya dati pakisalamuhaan ng mga ito.

Harika couldn't please everybody. Ang mga tagasuporta niya ay maliit lang na parte sa kanyang buhay. Katatagan ang pinanghahawakan niya ngayon at ang pagiging positibo niya sa lahat ng bagay na magiging maayos din ang lahat—na babalik din ang nawala niyang mga paningin.

Tatlong araw na ang lumipas noong nagkita sila ni Genesis at sabay na nananghalian sa isang lakeside steakhouse. May ilan pa rin sa mga pinag-usapan nila ay nakapagbigay sa kanya ng kalituhan. Lalo na noong nakapa niya ang nakasuot na singsing sa daliri nito. Pinagsisinungalingan ba siya nito o nahihiya lang itong aminin sa kanyang engaged o kasal na ito?

Three days prior, Waki knew of their meeting. Naging busy lang ito nitong mga nagdaang araw kaya't hindi nito mabanggit kay Harika ang naging pagdalaw ni Genesis. Kahit pa pangungumusta lang ang sabihin ni Harika kung bakit sila nagkita ay tatanungin pa rin nito.

"Here's our railcard, hawakan mo." Iniabot ni Waki ang maliit na card kay Harika na nakakapit ang mga kamay sa braso nito.

"Bakit hindi mo na lang ginamit ang kotse mo? Mahihirapan ka pang alalayan ako. Isa pa hindi naman tayo madalas mag-commute, pati na noon. Sigurado ka ba?"

"Do you remember our very first train ride to school? Para tayong sardinas sa loob ng tren and we never knew it would be so fun riding with commuters. Worth the hassle," he laughed it out.

Harika agreed, "Oo, masaya... noon. Pero sa sitwasyon natin ngayon, I just realized that you're having difficult time have me around you." She lowered her head. "Katulad nang nangyari kanina, I had to use bathroom and you must come to where I am. Kahit pa sabihin mong responsibilidad mo ako ngayon, hindi ko pa rin magawang hindi mahiya sa effort at sakripisyo mo sa akin para lang sa araw na ito."

He looked at her. "Ayan ka na naman. Hindi ba't nag-usap na tayo kagabi tungkol dito? Why are you suddenly reconsidering something you previously thought was a wonderful idea?" He sighed in gentle way. "Kung iniisip mo ako, itigil mo na, dahil kahit pa mahirapan ako, basta ikaw... walang kaso."

She grinned in appreciation. Waki then patted her head while swiping their railcards to enter as he's squeezing her hand between his right arm and side chest.

Riding an afternoon train wasn't easy and they were aware of it. Siksikan, punuan. The narrow spaces were only there so they could breathe. Waki made no effort to wrap his arms around Harika in order to shield her from the other passengers. Sa posisyon nilang dalawa, kulang na lang ay yakapin na nito si Harika patalikod.

He projected a muted whisper in her ear, "Kumapit ka, ha."

Nang umandar na ang tren ay napakapit si Harika sa braso ni Waki. They were both pushed in front of the wide window. Kaya habang tumatakbo ang tren, hindi nagkulang si Waki na ilarawan sa kanya ang mga nakikita sa labas. Ang residential area, ang sikat ng araw noong hapong iyon, ang nagtataasang mga gusali at kabundukan habang binabaybay ng tren na lulan nila ang kahabaan ng Windercoln.

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon