32: Everything's A Blur

36 3 5
                                    

Bago tuluyang mabulag noon si Harika, naging sensitibo muna ang kanyang mga paningin sa maliliwanag na bagay. She was informed by the doctors that although the incident did not result in a concussion, her eyesight was still sensitive to light. Walang head injury ang nangyari sa kanya at kung hindi photophobia, malamang ay photic retinopathy ang naging sanhi ng nasilaw niyang mga mata na naging sensitibo sa mga ilaw. Pananakit ng mga mata at ulo ang madalas na sintomas nito, which she had experienced as well.

Pinaniniwalaan din ng mga propesyonal na sumuri sa kanya na hindi magtatagal ang mga paningin niyang walang nakikita, subalit magpahanggang-ngayon ay tila wala pa ring nagiging pagbabago rito. They explained her that the effects of the accident were normally reversible, lasting for a month, not more than a year. She only had a mild case, and after the first few days of exposure, her vision should be changing. Paborito niyang gumuhit noon ng mga makikinang na aranya sa matataas na kisame, ngunit wala siyang ideya na ito pala ang magbibigay sa kanya ng problema sa paningin.

Tatlong araw bago niya marinig ang pag-uusap ni Melanie at Lymareva sa telepono tungkol sa kumakalat niyang deepfake video, alam na niya na pinagpipiyestahan siya online. She was so far ahead of them, and they had no idea of it. She was grateful to her friend, Lizbeth, for handling everything and keeping her informed in a situation like this.

How did they get in touch? Via Manong Liro. Tumawag si Lizbeth sa matandang driver ni Harika, concerned ito at gustong tulungan ang kaibigan dahil wala siyang kaalam-alam sa naturang video. Mabuti na lang at computer graduate ito, kaya naman ay nagawan agad nito ng paraan ang lahat at maitama ang mga dapat itama. Isa lang ang hindi pa nito mapuksa-puksa, kung sino ang nagpakalat ng mismong video, because after everything was obliterated, the uploader swept everything under the rug... and left no crumbs—not even its own identity.

Harika didn't have time for them. Pinagpapasalamat na rin niyang hindi siya nakakakita upang maiwasang masilip at damdamin na siya ang laman at pinag-usapan sa internet nitong mga nakalipas na araw. Hindi lang naging masama ang loob niya, nabuo rin sa kanya ang ideyang dapat ay hindi siya magtiwala nang lubos sa mga taong nakapaligid sa kanya. Whether it was a stranger or someone she truly trusted. Minsan na siyang naloko ng isang taong pinagkatiwalaan niya nang sobra, gusto niya bang maulit pa iyon sa kanya?

Harika hasn't left her room in several days. Gusto lang niyang magkulong at mapag-isa. Nalilito siya at kung bakit ganoon na lamang ang bigat ng dibdib na mayroon siya. Maghapon lang na nakapasak ang earphones sa kanyang mga tainga upang makinig na lang habang pinapatay ang napakabagal na oras sa mansyon ng mga Ishida.

After a brief moment, she heard a gentle knock on the door. Kasunod ng mahinang langitngit ay ang pagbukas nito. And then Waki went in.

"The helpers informed me that you haven't left this room in a while. Masama ba ang pakiramdam mo?"

Kahit nakapasak ang earphones sa mga tainga niya, narinig niya ang malagong na boses nito. Agad niyang hinaklit ang bagay sa tainga niya, bahagyang nilingon at sinundan ang boses nito.

He sat beside her on the bed. His gaze was fixed on her.

Tahimik lang si Harika. Hindi kumikibo. Walang bakas ng saya nang tumabi ito sa kanya.

"May gusto ka ba? Lalabas ako at bibilhan kita. Anything." Waki pressed his palm against the back of her hand.

Binawi agad ni Harika ang kamay niya.

Waki furrowed deep. "What's the matter?"

Harika's teeth were clenched. "How come you didn't tell me?" aniya, na tila ba matagal na niyang kinikimkim ang tanong na iyon.

"Tell what?" he replied, confused.

"About everything."

Inisip ni Waki kung ano man itong pinatutungkulan ni Harika. Ano ba ang dapat na sabihin nito sa kanya?

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon