11: Walk Into Nothingness

51 6 6
                                    

"You're completely nothing without the congressman..."

"She is extremely lucky to have the name Levantine..."

"...and now, she's left alone!"

Masama ang gising ni Harika. Halos dalawang araw na ring hindi sumusulpot si Waki sa tabi niya matapos niyang bulyawan ito noong nakaraan. Hindi niya alam kung nagdamdam ba ito o kung ano. Nagiging madalas na rin ang pagiging moody niya, kaya kahit iyong mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya ay natataboy niya.

Kasunod niyon ay nasapo niya ang kanyang noo nang bahagyang kumirot ang ulo niya. She slid out of bed and directed her hands toward the kitchen.

"Your life becomes more beautiful the longer you live."

Harika's echo smart speaker was playing an uplifting morning voice quote from the side table. It was a timer that automatically plays a quote when eight o'clock rolls around, ngunit imbes na gumaan ang araw niya nang dahil dito, tila yata mas lalo pa siyang naasiwa. At this time, no amount of positive words could make her feel better.

Hindi pa kabisado maigi ni Harika ang buong unit niya, ngunit kailangan niyang gumalaw ngayon para sa kanyang sarili. No one else was there to help her, kasalanan din naman niya na iyong taong tumutulong sa kanya ay napagbabalingan pa niya ng galit.

She's thankful still when Genesis gave her a foldable cane yesterday as a gift. Napag-usapan kasi nila noong nakaraan na kakailanganin niya ang bagay na iyon dahil kung minsan ay gusto niyang lumabas-labas. At least kahit papaano ay makatutulong ito sa paglalakad-lakad niya.

Mahinang napamura si Harika at winasiwas ang mga daliri nang mapaso dahil tinangka niyang buksan ang induction stove sa kusina na agad uminit. Gusto lang naman niyang magpainit ng tubig at magkape, bakit ba hindi pa siya hayaang magawa ito nang tama at hindi nasasaktan? Bakit ba kasi wala siyang coffee maker sa unit niya? Halos lahat ng bagay maliit o malaki ay sinisisi na niya ngayon. She became angrier not only at herself, but also at the rest of the world. Hanggang kailan ba siya parurusahan nang ganito? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan para pagdusahan ang buhay na kailanman ay hindi niya hiniling?

Pagod na napaupo si Harika sa sahig. Napangiwi siya dahil hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon. Gusto niyang magmukmok at maglupasay, ngunit hindi naman siya matutulungan niyon.

She decided to leave her unit after getting to her feet. Masama ang loob niya. She reached for her foldable stick while wrapped her coat on both shoulders. Buo na ang desisyon niyang lumabas nang mag-isa. Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyari sa kanya. Kung magtitiis siya sa loob ng kanyang unit, mas mabuti pang maaksidente na lang siya sa labas kaysa patayin siya ng lungkot at pag-iisa sa loob.

Harika walked down the carpeted hallway. She marched quicker as she pointed her stick in front of her—in all directions possible. At that very moment she is utterly unconcerned about everything around her. Hindi na niya alam kung ilang unit na ang nalampasan niya, basta naglalakad siya upang hanapin ang elevator, kahit nasa pinakadulong bahagi pa iyon ng hallway na tinutumbok niya.

Nang makapasok siya sa elevator, ang sunod niyang ginawa ay kapain ang bawat buton, nagsimula siya sa pagkapa ng mga numero paibaba hanggang sa maramdaman niya ang mga letrang GF (Ground Floor), saka pinindot iyon.

Natatawa siya sa kanyang sarili. She walked out of her unit, marched safely to the large condominium lobby, and exited the establishment. Mayroon nagtangkang tulungan siya, ngunit hindi siya nagpatulong... maaaring dinireksyunan na lang siya ng mga ito.

Mula sa labas ng gusaling pinanggalingan niya, mas malaking mundo na ang sumalubong sa kanya. Nakaririnig na siya ng mga kotse, ingay ng syudad at mga dumaraang tao sa kanyang paligid. Para sa kanya, pakikipagsapalaran na ang gagawin niya.

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon