Prologue

444 32 106
                                    

Wishing I could turn back the clock... where everything is fine.

Isa-isa nang nagdadatingan ang mga tao sa engrandeng pagdiriwang na pinaanyayahan ng pamilya Levantine. Idinaos ito mula sa isang tanyag na house manor o lugar na maihahalintulad sa isang mala-palasyong hacienda na pagmamay-ari din ng nasabing pamilyang ito. The Manor has a middle-ages and Norman-era design with contemporary touches.

Habang kaswal na naglalakad si Harika sa malawak na Great Hall ay agad na napansin ng kanyang mga mata ang maningning at naglalakihang mga aranya na nakasabit sa mataas na ceiling. Kumikinang ito na tila ba isang malaking diyamante habang natatabunan ng suot niyang maskara ang kalahati ng kanyang mukha. A mask with yellow-gold feather accentuated on it. She'd grown accustomed to gazing up at shimmering chandeliers—like crystals dangling overhead, which gave her a sense of fulfillment, a twinkle in her eyes, and a smile on her face. Nakasuot din ang mga panauhin ng maskara para sa tema ng pagdiriwang na idinadaos noong gabing iyon. It was Congressman Levantine's retirement celebration in a traditional masquerade theme.

Sa paglalakad niya ay suot-suot pa rin niya ang nakagawiang pageant smile at kinagisnang graceful movement sa mga taong nakakasalubong at kanyang nakakasalamuha. Kapansin-pansin ding pinapalakpakan siya ng mga panauhin kasabay ng pagkislap ng mga camera sa paligid niya. Her wide smile flashing greetings to everyone in attendance. Natatanaw niya rin mula sa kahabaan ng Great Hall ang mga mamahaling muwebles at masasarap na pagkain na niluto pa ng pinakatanyag na master chef mula sa syudad ng Bellmoral na dumayo ng Windercoln para sa selebrasyong iyon. Kilala ito sa pagluluto ng mga putaheng pasok sa panlasa ng mga mayayaman at taong may pangalan o matataas ang katungkulan sa buong syudad.

The party's theme was flawless and memorable throughout. The visitors were pretty happy and having a good time as they moved around the Manor, taking in its expansive halls, varied studio rooms, delectable cuisines, and the staff's professional handling of everything. It appeared to be the year's most memorable private event already.

Kasunod niyon ay may iilang pangunahing panauhin ang sumasalubong kay Harika at nagbibigay ng magagandang mensahe para sa kanyang Lolo Dad na magpahanggang-ngayon ay nagpapahinga sa ospital.

"Best wishes for the congressman's quick recovery!"

"May a good and healthy life surround him and hasten his recovery."

Masiyahing ngiti ang itinugon ni Harika sa mga ito, ngunit sa loob-loob niya ay tila may lungkot na bumabalot sa kanyang puso marahil ay dinadaos nila ang pagdiriwang na iyon para sa congressman, ngunit wala naman ito mismo sa Manor kasama siya.

Harika walked around aimlessly. Masks covering attendees were dressed to the nines with their own personal styles and famous names attached. Gabaldon, Abellanosa, Montecillo, Cañete, Vanhook, and Fortich... name it all! Iilan lamang sa mga malalaking pangalang ito ay kilala na mula sa syudad ng Windercoln. These names rose to prominence as a result of their well-known enterprises, relationships, political aspirations, and philosophies.

A minute dragged on, Harika came to a halt when someone obstructed her path. A tall man wearing a freshly pressed suit stood in front of her.

"You must be Harika Levantine," maginoo nitong wika.

Natigilan siya nang ilahad ng lalaking ito ang palad nito. Tumango si Harika, naamoy niya ang halimuyak na hindi pamilyar sa kanya at tahimik na pinag-aralan ang lalaking ito.

"I'm Genesis Montecillo... from the Montecillo clan," pagpapakilala nito nang may maamong ngiti sa mga labi.

Genesis took off his light silver mask.

Nag-angat nang tingin si Harika rito. Tumambad agad sa kanya ang kakisigan nito. Lumantad ang maisang kulay ng buhok nito na tumatabing sa parteng noo. Matangos ang ilong, tatak ng isang Montecillo ang hitsura, maganda ang tindig at pormal ang pagkakabati sa kanya. Additionally, he is dressed in a nice and opulent suit with a black patchwork bow tie sewn into his collar to make him appear more refined and respectable.

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon