14: Physical Proximity

46 5 7
                                    

After an hour of pretending to be asleep, Harika's mind was still wide awake as she lays in bed. Buong akala niya ay makakapagpahinga siya at malalagay sa payapa ang isipan mula sa mansion ng mga Ishida, subalit hindi pala iyon mangyayari gaya ng inaasahan niya. She couldn't sleep no matter how hard she tried. Nothing is bothering her; she just doesn't feel like going to bed at this time. Kulang na lang ay magpaikot-ikot siya sa kama at hanapin ang pinaka-comfortable na posisyon, ngunit bigo siyang dalawin ng antok.

Naupo siya at sumandal sa headrest ng kama. Walang ideya si Harika kung gaano kaganda ang guest room kung nasaan siya naroroon. Nilalaro niya lang sa kanyang imahinasyon ang sinabi ni Melanie na ang kuwartong paglilipasan niya ng gabi ay malapit sa garden area. Hindi na rin niya maalala ang nakalipas, but she remembers being in their garden many years ago.

Sinukuan na niya ang planong matulog kung 'di naman siya dinadalaw ng antok. She got out of bed and grabbed her stick. Sinubukan niyang lumabas ng guest room at magtungong muli sa sala. She's not afraid of doing so, dahil nasa ground floor naman ang guest room at hindi pumapasok sa isipan niya ang malaglag sa hagdanan. Mag-iingat na lang siya kung sakaling may mabangga siyang mga gamit o mabasag sa pangangapa.

She expected a helper roaming around the mansion to assist her, but instead she heard a voice from a man she hadn't heard in a while now.

"I thought you're already sleeping."

Nagawi ang kanyang atensyon sa lalaking nagsalita 'di kalayuan. She's standing right beside the piano and someone took her left hand.

"Waki..." mahinang tawag niya nang bahagyang magulat sa pagdampi ng mainit na palad nito.

"I'm here," he said, and they went to the kitchen together. "Balak ko sanang puntahan ka sa guest room, ang kaso baka magising lang kita kung natutulog ka na. Mom told me not to bother you tonight, I'll probably wait for tomorrow to talk to you."

Harika bowed her head as Waki helped her for a seat. Naalala niya kung paano niya ito naitaboy noon sa ospital.

"Waki... I'm sorry."

She could smell the familar scent of him. Hindi niya maiwasang mainis sa sarili habang hawak pa rin ang malambot na kamay nito.

"Towards of what?"

She softly sighed. "For what happened last time. Hindi ko lang talaga napipigilan ang emosyon ko sa mga nangyayari sa akin kaya pati ikaw ay nadadamay dahil dito sa frustrations na nararamdaman ko." She lifted her head, chin up. "Kung galit ka man sa akin, I'm very very sorry about it." Hindi niya nagawang bitiwan ang palad nito.

"I am not mad at you. In fact, I am thinking the same way. Ang buong akala ko ay ikaw ang galit sa akin dahil nakukulitan ka na. And if you think I am avoiding you, I rest assure you that I was not. I got sick and had to go on a business trip. Gusto kitang kumustahin at tawagan sa pagitan ng mga araw na iyon, ang kaso ay nag-aalangan ako dahil baka nga ay galit ka sa akin. I don't want to ruin your day by calling to check on you. I had to thank Manong Liro for keeping me updated at all times so I could keep tabs on you."

Naramdaman ni Harika ang bahagyang paghigpit ng palad ni Waki na hawak niya.

"I'm still sorry! Wala akong karapatang magalit sa kung sinuman... lalo na sa 'yo, at isa pa, wala ka rin namang kinalaman kung bakit nangyayari ang lahat ng mga ito sa akin. Masyado lang akong nahihirapan sa adjustment process kaya hindi ko pa rin natatanggap ang buong sitwasyon."

He sat next to her. "Stop apologizing, Harika. Kasalanan ko rin naman dahil masyado akong naging concern sa 'yo. I should have kept my distance from you. Dapat siguro lumalapit lang ako sa 'yo kung kinakalingan, hindi iyong basta-basta lang," he said while looking straight to her. "I know it's difficult for you to understand the situation, walang kaso sa akin kung magalit ka o masigawan ako... dahil naiintindihan ko kung ano ang pinagdaraanan mo."

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon