22: Away From Here

37 4 3
                                    

Natapos ang halos kalahating oras ng check up ni Harika kay Dr. Yetter. He claimed that she was becoming better and better in every of their meetings. Mas gumanda na ang pangangatawan niya at kapansin-pansin iyon lalo na ang mindset niyang may malaking ipinagbago, kahit wala pang naging improvement ang kanyang mga mata ay positibo pa rin siya na magiging maayos din ang lahat.

Naibahagi niya rin kay Dr. Yetter na nagkaroon siya ng napakagandang panaginip, dahil sa panaginip na iyon ay nakakakita siya at mayroong paningin upang mapagmasdan ang kapaligiran. Isn't it an indication that the improvement of her sight was progressing? She's just thinking positively to every possibilities.

Inihatid siya ni Manong Liro pabalik sa mansion ng mga Ishida, ngunit habang nasa daan ay nag-request si Harika na dumaan muna sila sa isang ice cream shop at i-treat ang matandang driver.

She ordered a gelato while Manong Liro picked a vanilla soft serve.

"Manong, kumusta na kayo?" tanong niya, magkatapat silang nakaupo habang nakapagitan sa kanila ang mesa.

"Ayos lang naman ho, ma'am..."

Simula nang mapadpad si Harika sa mansyon ng mga Ishida, hindi na niya gaanong nakakasalamuha ang matandang driver. Waki generally gives her a ride to every appointment she has, whether she's seeing Dr. Yetter or heading somewhere else.

"Manong, kung gusto n'yong magbakasyon ay magsabi lang kayo. Kahit anong oras ay puwede," aniya at ngumiti na hindi direktang nakaharap sa matanda.

Umiling ito. "Hindi ko pa ho kailangan ng bakasyon. Ayokong hindi kayo mapuntahan agad kapag kinailangan ninyo ako. Lalo na sa panahon ngayon," anang matanda at halos nag-aalala.

"Nasa mansyon lang ako ng mga Ishida, manong. Ligtas ako roon at hindi n'yo na ako kailangang alalahanin pa. Halos tatlong taon na kayong walang bakasyon, gusto ko lang na umuwi kayo sa probinsya upang makasama ang mga kamag-anak ninyo."

"Hindi ho maaari, ma'am. Nangako ho ako kay Congressman Levantine na kahit na ano'ng mangyari, dapat ay nasa tabi n'yo lang ako ano mang oras ninyo ako kailanganin. Huwag na ho ninyong isipin ang mga kamag-anak ko sa probinsya, madalas ko silang tinatawagan at kinukumusta."

Up until this day, the old driver's family has benefited greatly from his commitment to the Levantines. Dalawang dekada na itong personal driver ni Constancio Levantine, at nang ipinanganak si Harika... ipinagkatiwala na ito sa kanya simula sa unang araw niya sa eskwelahan. Maasahan, madiskarte at maingat kasi ang matandang driver kaya naman ay malaki ang tiwala ni Constancio na ito ang magmamaneho sa bawat oras na magkasama sila ng butihing apo.

Naiintindihan naman ni Harika ang gustong mangyari ng matanda, hindi niya ito pinaghigpitan kailanman... minsan lang ay naaawa siya rito dahil napakapasensiyoso nito at sa matapat nitong serbisyo sa pamilya nila. She wished to provide him with a well-deserved vacation.

Nang makahalati na ni Harika ang kanyang gelato ay saka siya muling nagtanong, "Ang mansyon, manong, kumusta na? Doon pa rin ba kayo tumutuloy?"

"Isang linggo simula noong lumipat kayo sa maliit na unit, nagdesisyon ang mag-inang Sullivan na paalisin na rin ako sa mansyon. Ang huli kong natatandaan ay pinagbakasyon rin nila ng ilang buwan si Headmaid Alice upang masolo ng mag-ina ang buong mansyon kasama ng mga bagong tanggap na tagapagsilbi."

Parang nagpantig ang tainga ni Harika sa narinig, nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Ano?! Pinaalis nila kayo sa mansyon at pinagbakasyon si Nana Alice?" she exclaimed in a hushed voice, her teeth clenched.

Natahimik ang matanda at nagsising nabanggit nito ang bagay na iyon kay Harika. Dapat ay hindi na ito nagsalita, nahihirapan din kasi itong magsinungaling lalo pa't mabait na tao si Harika para pagsinungalingan.

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon