39: What Feels Natural

27 2 2
                                    

Harika's two weeks have come and gone. Her soul and mind improved into a lighter and less worry sense. Through it all, things got better each day, na tila ba lahat ng tao sa paligid niya ay kasundo niya—isa na ang kanyang tiyahin sa mga ito na minsan ay hindi niya aakalain. Pagdating naman sa pinsan niyang si Venus? Ganoon pa rin, nagtitimpi lang itong pakisamahan siya.

Maayos na naidaos ang ika-isang daang araw ng kamatayan ng congressman. Kakaunti lang ang dumalo, ngunit mga kilalang tao naman ang ilan sa mga ito. Following the commemoration, Harika asked her aunt if she could turn the congressman's ashes into a painting. Walang kahit na anong pagtatalo ang nangyari, agad-agad na sumang-ayon si Lymareva sa kagustuhan niya. Ganoon lang kadali.

Nagtungo siya sa clinic ni Dr. Yetter sa sumunod na araw para sa kanyang buwanang konsultasyon dito. Tulad pa rin ng dati, parehas na bagay lang ang mga ginagawang pagsusuri sa kanya; kukumustahin ang lagay niya, mula sa pisikal na aspeto at nagsasagawa ng ilang short interview ng mga aktibidad niya sa mga nakalipas na araw. Nagawa na niyang masanay sa routine nito. Tinawagan niya si Manong Liro na naghatid, ngunit si Waki na ang nagpresintang susundo sa kanya upang sabay na rin silang mag-grocery na tipikal nilang ginagawa sa tuwing ito ang nagmamaneho para sa kanya. Hindi pa agad sila umuwi matapos no'n dahil nagtungo pa sila sa isang yogurt shop na bagong bukas lang 'di kalayuan sa grocery market na pinanggalingan nila, to soothe their cravings. Both of them enjoy desserts and milky smoothies. Mas nakakataas ng ganda ng mood ang pagpunta nila roon at pagkain nito.

Waki increased the amount of effort he put into caring for Harika. Kahit na sa maliliit na bagay lang tulad ng pagpunas nito ng tissue sa gilid ng labi niya o pag-cover sa ulo ni Harika sa tuwing papasok sa loob ng kotse. Malaking bagay na ang mga ito para kay Harika, dulot ng kawalan ng mga paningin, mas naa-appreciate niya ang ganitong mga small effort.

Maingat na minaneho ni Waki ang kotse. Palagay na palagay si Harika sa tabi nito, nagawa pa niyang makaidlip sa byahe. Nang magising siya, nakatigil na ang kotse at nakagarahe na ito sa tapat ng mansiyon.

"Gising ka na..."

She rolled her neck and stretched her shoulders. "Nasa mansyon na ba tayo? Bakit hindi mo ako ginising?" aniya saka naghikab.

"Ayokong putulin ang pag-idlip mo. Masaya naman ako habang pinanonood kitang natutulog." Waki placed his hand on her head and gently stroked her hair. "Halika na, ihahatid na kita sa kuwarto mo."

Harika loosened the seatbelt while nodding her head.

Nang maihatid siya nito sa kanyang bedroom, pinigilan niya ang kamay nito matapos hawakan ang balikat niya at halikan ang kanyang noo. Her chest feels so light, so special. It just naturally comes out. Tulad lang ng pakikitungo nila sa isa't isa noon ang nangyayari ngayon, ngunit mas lumalalim na ang loob nilang dalawa. Mabuting tao si Waki, alam niya iyon, ngunit minsan nang sumagi sa isipan niyang deserve niya ba ang lalaking ito lalo pa't nasa sitwasyon sila na napapahirapan niya ito dulot ng kawalan niya ng paningin.

"Waki... bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" she asked in a weak tone, so random, with a hint of uncertainty in her voice.

He paused, the crease between his eyebrows deepened. "Why not? Am I overdoing it?"

"No, no." Harika shook her head. "Minsan napapaisip lang kasi ako kung ganoon ba talaga ako kaimportante sa 'yo para pakitunguhan at pagtiyagaan mo nang ganito." Her head down, doubting herself... again.

He sat beside her, close enough to feel his presence. "Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa 'yo hindi lang dahil kailangan mo, dahil mahal kita. Hindi ka lang ganoon kaimportante... ikaw ang pinakaimportante sa lahat." His hand caressed her back tenderly. "Lose the thought, these were just the bare minimum I could do to show what my heart pours into you."

The Sun in Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon